Lumalabas sa kumbensiyon ng kasarian ang balangkas ng drag bilang isang pagpapahayag ng sarili, malaya mula sa dikta ng lipunang ikinukulong sa makalumang pag-intindi ang kasarian. Kakabit ng pag-alpas na ito, nagpapalaya, nangangahas, at nagbibigay-espasyo ang diwa ng drag.
Sa buwan ng mga puso, hindi lang pagmamahalan ang dapat pag-usapan, kung hindi pati ang katotohanang ikinukubli ng konserbatismo—isang realidad na nagtutulak sa maraming kabataan tungo sa maagang pagbubuntis.
Maraming nagsasabing malas ang isilang sa Pilipinas dahil sa katiwaliang humuhubog sa ating karanasan. Ngunit, pinanghahawakan ng mga aktibista ang pag-asang tuluyan itong mawakasan. Para sa kanila, ito ang pinakamataas na uri ng pag-ibig—ang pagmamahal sa tinubuang lupa.
Sa ating lipunan, hindi lamang mga tao ang dapat mamuhay nang hindi dinidiktahan, karapat-dapat din itong makamit ng mga hayop sa mundong kanilang ginagalawan.
Tinataglay ngayon ng kabataan ang dumadagundong na boses ng hinaharap. Isinisigaw sa lansangan, kabahayan, at iba’t ibang paaralan ang mithiin ng nagkakaisang boses. Ngayong darating na eleksiyon, pagkilatis ng kasalukuyang daloy ng politika at paghahangad ng mas maayos na lipunan ang layunin ng kanilang milyon-milyong boto sa #Halalan2025.
Sa bawat papel na ating iniipit sa pitaka, makikita ang simbolo ng ating nakaraan—mga bayani na nag-ukit ng ating kasaysayan. Ngunit sa pagbabagong hatid ng bagong disenyo, unti-unting napapalitan ang mga mukha ng bayani ng mga hayop at halaman na nanganganib nang maglaho.
Sa Pasyon ni Kristo, sinusundan ng mga tao si Hesus upang Siya ay kutyain, hatulan, at ipako sa krus, habang may kakaunting handang tumulong o kilalanin ang Kaniyang kabanalan. Ngunit sa panahon ng Traslación, ipinakikita nito ang pasyon ng mga tao para kay Kristo. Sinusundan ang yapak ng Poong Nazareno upang humingi ng biyaya at awa, at ibigay ang pinakamataas na papuri sa Kaniya.
Sa pagbuo ng ‘wishlist’ ngayong bagong taon, pag-aasam ng ‘pagbabago’ sa susunod na semestre ang nangunguna sa listahan ng mga mag-aaral ng Pamantasan. Bunsod ng palagiang daing ukol sa proseso ng enrollment at kaugnay na suliranin sa Wellness and Recreation Program (WRP), napapanahong pagsasaayos mula sa administrasyon ang inaantabayanan ng komunidad ngayong 2025.
#TAMlakayan: Dala ng mga buntong-hininga ang pagod ng bawat breadwinner sa pamilya, at inihahain ng ‘And the Breadwinner is…’ ang masalimuot nilang katotohanan noong nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024. Sa pagganap ng aktor at dating mag-aaral ng Far Eastern University na si Vice Ganda bilang migranteng manggagawa at bakla, regalo ng MMFF ang pagbulusok nito pabalik sa kamalayan ng masa at pamilyang Pilipino ngayong taon.
Malalim na pagpapahalaga sa pamilya at tradisyon ang nasa likod ng taunang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon. Ngunit sa kabila ng bawat masaganang selebrasyon, may mga pamilyang nagsusumikap na mairaos ang isang gabi ng kasiyahan at pagbibigayan. Bakit nga ba isinasakripisyo ng mga Pilipino ang pinansiyal at emosyonal na kapakanan kapalit ng isang "perpektong" okasyon?
Food delivery riders at mga crew sa kainan—ilan sa mga manggagawang abala sa pagbibigay-serbisyo tuwing Kapaskuhan. Habang ang karamihan ay masaya at abala sa idinaraos na pagdiriwang, sila naman ay nagsasakripisyo upang matustusan ang pangangailangan ng mga pinaglalaanan, dagdagan pa ng kawalan ng respeto at pagkilala ng iilan. Kaya naman sa buwan ng pagbibigayan, mainam lang na makamit nila ang nararapat na paggalang mula sa mga mamamayan.
Kapana-panabik ang Paskong Pilipino dahil sa mga tradisyong hindi nagbabago, tulad ng paghahanda para sa Noche Buena at pagbisita ng mga kamag-anak na matagal na nating hindi nakita. Subalit, kaakibat ng malaking pagtitipon ay ang mga hindi napapanahong tradisyon mula sa ating mga kamag-anak. Nariyan ang kanilang pagbibigay ng mga insensitibo at mapanghimasok na komento tungkol sa iba’t ibang aspekto ng ating buhay.
Makikita sila sa gilid ng kalsada, ang iba nasa may eskinita, o sa tabi ng isang kainan at nagkakalkal ng basurahan—mga aso at pusa na nagbabakasakaling may matagpuang pupuno sa kumakalam nilang tiyan. Hindi naman karangyaan ang kanilang kahilingan, sapagkat kalinga at totoong kanlungan ang kanilang kailangan. Sa mundong inilikha para sa lahat ng nilalang, nararapat na magkaroon rin ang mga hayop ng pamilyang tunay na kakalinga at gagalang sa kanila.
Ipinagdiriwang ngayong araw ang ika-161 kaarawan ni Ka Andres Bonifacio, ama ng himagsikang Pilipino. Higit isang siglo na ang lumipas, ngunit nananatili pa ring buhay sa kasalukuyan ang mga prinsipyo ng Katipunan sa hangaring makamit ang makatarungang pagbabago sa lipunan.
Bus tickets, resibo, at kung ano-ano; itinuturing na ‘anik-anik’ ang mga maliliit na bagay na makabuluhan para sa mga nangongolekta nito. Karaniwan itong iniuugnay sa mga alaala, personal na karanasan, o simpleng kasiyahan—remembrance kung maituturing. Subalit, sa pag-usbong ng modernong anik-anik, naging simbolo na rin ng prestihiyo at estado ang dating iniimbak lamang para sa mga bitbit nitong memorya. Bunsod ng komersyalisasyon, naging eksklusibo at tumaas ang presyo ng anik-anik—isang kabalintunaan mula sa mga masa na nagpasimula ng konsepto nito buhat ng kahirapan.
Makapagsasalita ba ang isang biktima ng War on Drugs sa harap ni Kamatayan? Para kay Patricia Evangelista, tungkulin ng isang mamamahayag na iukit sa kasaysayan ang mga pinaslang sa pamamagitan ng extrajudicial killings dahil wala nang pagkakataong makapagsalita pa ang isang bangkay sa ilalim ng sistemikong karahasan.
Gasgas na ang mga katwirang ‘makatulong sa mamamayan’ sa kaliwa’t kanang naghahain ng kanilang kandidatura na ang tanging katanyagan lang ay puhunan. Malinaw na pinakikitid nito ang espasyo para sa mga totoong lider na may detalyadong plano at kakayahan. Sa panahon kung saan itinuturing na kapangyarihan ang kasikatan, ginagamit ito upang manguna sa halalan at samantalahin ang tiwala ng sambayanan.
Ginagawang pipi ng sistema ang bawat babaeng nilalapastangan batay sa kanilang kasarian. Binubulag ng mapangmatang lipunan ang dalagang biktima ng istruktural na pang-aabuso sa kinalalagyan nitong pamayanan. Sa kawalan ng kakayahang umimik laban sa karahasan, sino ang sisigaw ng tulong para sa kanila kung walang nakatutok na kamera?
Bagama't patuloy na umuunlad ang lipunan, mahigpit pa ring itinatali ng makalumang pananaw ang pananamit sa kasarian. Habang patuloy na nagbubukas ang ating isipan at nagsusumikap para sa mas ingklusibong lipunan, mas nakikilala natin ang kahalagahan ng paghamon sa mga nakasanayang kaisipan. Kaya’t panahon na upang buwagin ang mga baluktot na paniniwalang ito upang makamtan ang ganap na kalayaan sa pagpapahayag ng ating tunay na pagkakakilanlan.
Ipinapasan ng bawat magsasaka sa kanayunan ang kapalaran ng Pilipinas bilang isang agraryong bansa. Ngunit sa patuloy na pambabarat ng mga panginoong maylupa sa mga magbubukid na nagtataguyod ng pagsasaka, pagbubungkal para sa tunay na repormang agraryo at lupa ang layunin ng mga aping magsasaka sa kabiguan ng estado na panindigan ang pangako nitong pag-unlad […]
Ang ideya ng ‘pagbabago’ sa isang sagradong pagkain tulad ng pastil ay hindi lamang simpleng pagpapalit ng isang kasangkapan. Pinapakita nito ang pagwawaksi sa malalim nitong kahulugan at pinagmulan. Sa kasaysayan ng Pilipinas kung saan nahaharap sa matinding diskriminasyon at opresyon ang mga Pilipinong Muslim, isa itong panibagong paraan ng pagpapalabnaw at hindi paggalang sa kanilang kultural na pagkakakilanlan.
Bawat nilalang ay may pag-aasam, hayag man o nakakubli, na makaramdam ng pagmamahal. Bitbit sa kanilang araw-araw na pamumuhay ang hiling na madama na bahagi sila ng isang relasyon; ng pagkakaibigan; ng pamilya; ng komunidad. Kung kaya’t maging ang mga residente ng Isla Esteban ay handang ialay ang lahat – ang kanilang buong puso’t sarili – para sa isang misteryosong makisig na tila bitbit ang kanilang inaasam na pagsinta.
Nakatingalang mga langgam kung maituturing ang masang Pilipino habang sinasalo ang pira-pirasong mga naratibo mula sa bangayan ng dating alyansang Marcos at Duterte. Kasabay ng palitan ng mga patutsada ng magkabilang panig, iniipon naman ng masa ang iba’t ibang kuwento at mga kakarampot na ‘ayuda’ na minamanipula sila upang isuko ang kanilang makapangyarihang boto.
Madalas kung ituring na walang halaga at “hindi praktikal,” patuloy na humaharap sa malupit na agos ng pagwawalang-bahala ang mga nasa larangang humanidades at sining. Ngunit sa kabila ng kakulangan sa suporta at pondo, nananatiling matatag ang mga tagapagtaguyod ng mga disiplina sa kanilang misyon na magpanday ng mas malalim na diwa at kamalayan para sa bayan.
Kilala ang Cinemalaya sa pagbibigay-espasyo para sa mga kuwentong naiiba sa karaniwang mapapanood sa pampublikong sinehan, na may layuning talakayin ang mga isyung panlipunan at usaping pampolitika sa loob ng bansa. Ngunit sa kabila ng progresibo nitong representasyon, naglilitawan pa rin ang mga salungatang humahadlang sa pagkamit ng tunay na ‘malayang’ pelikula.
Nakaugnay sa pagbabalik ng isang Marcos sa Malacañang ang malagim at malawakang kampanya upang muling maitatag ang monopolyo ng kapangyarihan. Ngayong ika-52 taong paggunita sa masalimuot na pagpapatupad ni Ferdinand Marcos Sr. ng Martial Law, pag-alala sa aral ng Batas Militar ang kailangan sa pagsusuri ng pagkakapareho ng administrasyon ni Bongbong Marcos (BBM) at ng kaniyang ama.
Kabaliktaran ng “kaunlarang” inaasam sa itinatayong New Manila International Airport (NMIA) sa Bulakan, Bulacan, pagkawala ng kabuhayan at pagkasira ng kalikasan ang idinadaing ng mga residente at mangingisda bunsod ng malawakang reklamasyon ng lupa at katubigan sa pangunguna ng San Miguel Aerocity Inc. na subsidiyaryo ng San Miguel Corporation (SMC).
Matapos ang ilang taong pagsasakripisyo at pagpupuyat, isang matinding palaisipan sa mga nagtapos sa kolehiyo kung ano nga ba ang tiyak at nakabubuhay na daan paglabas nila sa silid ng kanilang ikalawang tahanan. Sa kabila ng mga kaalaman at makukulay na pangarap, hindi maitatanggi ang pinansyal na dagok at presyon ng lipunan na hahamon sa kanilang katatagan.
Sa bawat ikot ng kasaysayan, may mga kuwento ng kabayanihang nakakubli sa likod ng kadiliman at kalupitan ng panahon. Gamit ang masining na pagganap at matalim na pagsasalaysay, ipinamalas ng bagong teleserye ang diwa ng katatagan at pag-asa, binibigyang-liwanag ang mga sugat ng nakaraan na bakas hanggang sa kasalukuyan.
Kaakibat ng panibagong taong panuruan ay ang muling pagharap ng mga estudyanteng komyuter sa lansangan. Mula pagsikat ng araw hanggang sa pagbaybay ng kalsada sa dilim, danas muli ang pagod, puyat, at pangamba makarating lamang sa kanilang paroroonan.
Minamasdan ng bawat salitang kinalilimutan sa lipunang ang napupunding katayuan ng wikang pambansa at pagbagsak ng kaisipang sumasalamin sa malalim na karanasan ng bawat Pilipino. Mula rito, pinapasan ng akademya ang tanglaw na magbibigay-liwanag sa lahat ng katutubong kaisipang pinalalamlam ng kolonisadong talakayan.
Mula sa mga walang saysay na post hanggang sa mga viral na akusasyon, nagiging moderno at pampublikong hukuman na ang social media. Bagaman nakatutulong ito sa pagpapakalat ng kamalayan at pagpapatuwid ng mga kamalian, kasabay nito ang paglantad ng mga mapanganib na epekto ng padalos-dalos at emosyonal na panghuhusga—mga hatol na walang batayan, at mga buhay na winawasak ng mga salitang walang konkretong ebidensiya.
Pangunahing sigaw ng mga manggagawa ang kanilang kampanya para sa nakabubuhay na sahod. Ngunit sa kabila ng demokratiko at makatarungang kahilingan, tila nakikipaglaro ng bingi-bingihan at bulag-bulagan ang estado na taliwas ang pagtugon sa panawagan ng mga maralitang obrero.
Saksi ang kasaysayan sa ilang dekadang karahasan at pambubusabos laban sa mga katutubo ng bansa. Ngunit, saksi rin ang kasaysayan sa kung paanong ang hukbo't pamahalaan na responsable sa pangangalaga ng kanilang kaligtasan ang siyang nagsisilbing ugat ng kanilang mga pasakit at paghihirap.
Sa nagbabagong pananamit ng panahon, nagpapatong-patong ang pagpapakita ng pagsuporta ng mga kumpanya’t kapitalista para sa mga taong nabibilang sa kasariang hindi nakaugalian. Saksi ang lahat na sa tuwing pagpatak ng Hulyo, hubad na ang kanilang bandilang bahaghari na nagpapahiwatig ng alyansa laban sa diskriminasyon.
Bayani kung maituturing ang mga gurong nagsusumikap para sa mga bagong sibol ng lipunan. Mula sa mga inhinyero, doktor, nars, abogado, artista ng bayan hanggang sa mga pulitiko ng bansa, lahat ng mga ito ay dumaan sa kalinga ng mga nagtitiis na guro.
Sa marahang haplos ng mga kamay na nagbibigay kalinga para sa ikabubuti ng mga Pilipino, ang siyang hindi nabibigyan ng sapat na pangangalaga. Kaya para sa ilan, nakikita ang kalayaan hindi sa sariling bayan kun’di sa banyagang lupain na mas may pagpapahalaga sa kanilang larangan.
Sumiklab mula sa kadiliman ang mga kuwento ng LGBTQIA+ sa pelikulang Pilipino. Mula sa mga unang hakbang ng pagsasalarawan ng homosekswalidad hanggang sa mga kinikilalang obra na nagbigay-buhay at inspirasyon sa komunidad. Ngunit sa umuusbong na inklusibong representasyon sa industriya, kasabay nito ang pagsibol ng mga maling pag-aanyo at esteryotipikal na imahe.
Mula sa mga graffiti sa underpass, mga poster sa mga waiting shed, maging ang mga mural sa pagitan ng mga eskinita; nagiging salamin ng lipunan ang sining na nakaguhit sa bawat sulok ng ating mundong ginagalawan.
Kapag ang init ng araw ay humahalubilo na at ang pagod ay tila umaalipusta sa bawat diwa, ang Arroceros Forest Park, na tinaguriang "Huling Baga ng Maynila," ay nagsisilbing kanlungan sa gitna ng nakapapasong init at magulong kalunsuran.
Mayaman sa kultura, magagandang tanawin, sa kalupaan man o sa katubigan, pati na rin sa mga tradisyon at paniniwala. Ngunit sa paglipas ng panahon, unti-unti nang nauubos ang isa sa pinakamahalagang yaman ng perlas ng silanganan, ang yamang tao.
Mistulang bituin ang edukasyon. Nagbibigay-ningning sa madilim at magulong lakbayin at naghahatid liwanag sa mga balik at lumang pananaw. Sa diskursong kaliwanagan, hatid nito ay kamalayan sa katotohanan na siyang daan upang wasakin ang harang na nagbubukod sa yaman at ginhawa ng masa.
Mula klasrum hanggang lansangan, bitbit ng mga lider-estudyante ang boses ng mga kabataan na siyang nararapat na nangingibabaw. Mula rito, sila ang bubuo sa bagong henerasyon ng mga lider ng bansa na siyang sumasalamin sa kabuuang kalagayan ng demokrasya sa Pilipinas.
Sa mga lumipas na dekada, patuloy na pinagbubuklod ng pira-pirasong mga papel ang mga karakter sa kwento ng lupang sinilangan. Animo’y mugol ito na naging pundasyon ng kapanatagan ng mamamayang Pilipino.
Nagsisilbing himig ng kamalayan ang bawat patak ng tinta ng mga pahayagan. Dulot nito, naging sandigan na ng mga mag-aaral ang mga pampaaralang publikasyon, lalo na sa panahong hinahamak ng panghuhuwad ang mga pangunahing daluyan ng balita at impormasyon.
Bukod sa pagdiriwang ng araw ng mga puso, kada Pebrero rin ay binibigyang-pagpupugay ang mga ipinamalas na katapangan ng taumbayan na nakaukit na sa ating kasaysayan. Inaalala ito upang parangalan ang pag-aalsa ng nakaraang henerasyon na siyang pumiglas sa hawlang bumihag sa kanilang isip, salita, sa kahabaan ng EDSA.
Minsan nang nangarap sina Juan at Juana ng demokrasyang magmamarka ng tunay ng diwa ng kalayaan. Upang makamit ito, itinuos nila ang kanilang mga kaluluwa nang makamtan ang pinipithaya para sa kanilang sinisintang bayan.
Ilang kalendaryo na ang pinunit ngunit tila hindi matibag-tibag ang stigmatismong nakapalibot sa alingasngas ng kalusugang pangkaisipan. Kaya naman sa paglipas ng taon, unti-unting naitatatag ang gusali ng kabatiran sa paksang mentalidad. Subalit hindi inaasahan na marupok ang naging pundasyon ng kaalaman, dahilan upang mauwi ito sa romantikismo kaysa maging isang kilusan tungo sa mas matibay na diskusyong sikolohikal.
Sa pagbagtas nina Juana at Juan sa panibagong ruta, layunin nilang magsaliksik upang makamit ang pansariling kaalaman. Ngunit sa landas na kanilang tinatahak, makakatagpo sila ng samu’t saring kuwento’t mga katanungan. Makakasalamuha rin nila ang iba’t ibang personalidad na maaaring tumapik sa kanilang kamalayan.
Nakaukit na sa puso ng mga Pilipino ang mga hari ng kalsada bilang bahagi ng kanilang pagkakakilanlan. Marahil ay naging parte na ito ng kanilang kultura, pinagyayaman at binibigyang halaga. Sa mga nagdaang panahon na nagbabaga ang kapangyarihan ng mga jeepney sa bawat rutang dinaraanan, sinong mag-aakalang ito rin ay may hangganan.
Madilim pa lang ang kalangitan, nagkukumahog nang kumilos sina Juan at Juana para sa maghapong pagpapagal. Bagamat pauwi pa lang, magpapahinga lamang sila nang kaunti para sa muling pagbabanat ng buto ng walong oras o mas matagal.
Sa pagsalubong sa bagong taong panuruan, kargado pa rin ng mga Pilipino ang mga hamong bitbit ng lumulubhang kalidad sa sistema ng edukasyon. Nakababahala ang patuloy na lumalalang krisis ukol dito, at ang malaon na hamok sa pagpuksa ng mga napipisil na isyung pang-akademiko.
Pihadong nakakrus na sa noo ng mga Pilipino ang katagang, “Upang ma-claim ang napalanunang premyo ay mag-register lamang dito.” Dahil dito, tila hindi na mabilang sa daliri ang mga text scams na tuwinang nararanasan ng taong-bayan. Lipas na ang mga ganitong modus sa Pilipinas; datapwat magpasahanggang ngayon, litaw pa rin ang mga naglilipanang modus.
Buhay kung ituring ng mga Mindoreño ang karagatan. Ito ay tila may malalim na koneksyon sa kalamnan ng bawat taong umaasa sa yaman ng katubigan. Ito ay animo’y katawang kumikilos at nagpapagal patungo sa isang layunin—ang maipagpatuloy ang agos ng isang magaan na buhay para sa pamilya.
Madalas ay katumbas ng langit at lupa kung ituring ang kaibahan ng dalawang kasarian. Marahil ay dala ito ng mga konsepto noon na siyang tumatak sa kaisipan ng lahat—ang mga lalaki ay katumbas ni Malakas na makisig samantalang ang kababaihan ay katumbas ni Maganda na mayumi.
Daig pa ni Juan at Juana ang tumakbo sa bako-bakong daan sa hirap at pagod na ipinaramdam ng paliparang dapat galak at pag-asa ang dala. Sa halip na ginhawa ang hatid ng mga alapaap patungo sa ibayong dagat, tila naging pugad ito ng aberya sa sariling bayan.
Sa kabila ng kasiyahang sana’y dala ng Kapaskuhan, animo’y mga napupunding parol ang mga manggagawang pilit na kumikislap sa dilim na hatid ng masalimuot na reyalidad. Mahirap man pero hawak pa rin ang pag-asang kinang at liwanag na maibibigay nila sa kani-kaniyang tahanan ngayong paparating na Kapaskuhan.
Mulat man sa reyalidad, suntok pa rin sa buwang makamtan ang daing ng tunay na kalayaan. Tila may bulalakaw na patuloy na humahadlang sa tuwing ang boses ay napakikinggan at may umaaligid na agam-agam at sindak na nagwawaring kikitil sa sinumang boboses ng katotohanan. Pawang hantungan nito ay balat-kayong kalinaw na masang lubog sa kasinungalingan.
Sa pagsilip ng bukang liwayway ay siya namang paglabas ng pawis na hudyat ng maghapong pagod at hirap. Pagkaitan man ng pagkakataon at paulit-ulit mang biguin ng sariling bayan, ang mga magsasaka ay nanatiling tumitindig upang siguraduhing mayroong pagkain sa hapag ang bawat pamilyang Pilipino.
Ang mga kalye na hindi tiyak ang kaginhawaan ay kublihan ng mga nabubuhay na uri na tanging pag-akay mula sa tao ang susi ng kanilang katiwasayan—ang mga naghihikahos na hayop sa lansangan.
Habang pinipinsala ng pandemya ang sansinukob, isang matandang epidemya naman ang patuloy pa ring nananalasa sa isipan ng maraming Pilipino – tsismis. Tulad ng makakapal na ulap na humahadlang sa sinag ng araw, sanhi nito ay kadiliman sa pag-iisip at paniniwala ng mga taong babad sa ugong ng usap-usapan.
Sa pagkakaukit ng pagsasabong sa kultura at tradisyon ng bawat Pilipino, ang bawat sabungero ay tila umaasa sa kakarampot na posibilidad na uuwi silang mayroong ngiti sa mukha. Sa mas pinadaling pagtaya dahil sa tulong ng teknolohiya, marami ang patuloy na nahuhumaling isugal ang kanilang natitirang pag-asa sa walang katiyakang laban ng asul at pula.
Walang pananakot ang makapipigil sa taong may malalim at mabigat na adhikaing makatulong at makapag-ambag sa isang komunidad na pinagkaitan ng karapatan. Kahit pa buhay ang maging kapalit, patuloy na mananaig ang ipinaglalaban para sa bayan— para sa kapwa.
Guguhit na sana ang ngiti ng pag-asa sa pisngi ng bawat kolehiyolo at kolehiyala nang sila’y magimbal sa isang pagyanig na mistulang wumasak sa kanilang tulay tungo sa hinaharap.
Sa sinaunang alamat, pinaniniwalaan na hango ang pangalan ng Ilog Pasig sa isang mayuming dalagang nagngangalang Paz. Isang gabi habang namamangka kasama ang Kastilang binata, bumaliktad ang bangkang lulan silang dalawa. Sa pagsigaw ng binata ng katagang “Paz, sigueme! (Paz, tulungan mo ako!),” hatid ng masalimuot na pangyayari ay ang paglutang ng mayamang kasaysayan at pagkakakilanlan ng Ilog Pasig.
Katumbas ng paglago ng teknolohiya ang pagdami ng mga plataporma na kayang makapagbigay ng tagumpay sa iba’t - ibang sangay ng industriya sa bansa. Subalit, kung kikilatising mabuti ang industriya ng musikang Pilipino, kapansin-pansin ang nararanasang pagliit ng atensyon na naibibigay dito.
Binansagan ang Dumaguete bilang siyudad ng mga mayuming mamamayan. Sa pagsikat ng araw, mainit na pagbati ang siyang sasalubong sa bawat dayo’t bisita sa bayan. Sa dapithapon naman nakukulayan ng kahel at dilaw ang kalangitan ng paraisong lokal. Habang sa gabi, kapayapaan at maaliwalas na tubig ang bumabalot sa baybaying mahikal.
Maingay at puno ng tawanan ang nakasanayan sa loob ng paaralan--na ngayo’y nabalot na ng nakabibinging katahimikan. Ang silid-tulugan ay nagmistulang silid-aralan. Ang lahat ay naantala sa presensya ng unos na tila’y isang mapaminsalang daluyong. Ang mga araw na nagdaan ay nabalot ng pangamba, ngunit sa kabila nito, nagliliyab pa rin ang hangarin para sa ligtas na pagbabalik sa eskwela.
Nagmahal na ang mga presyo ng bilihin, nagsara na ang ilang mga tindahan, at unti-unti nang nawala ang kakatwang ingay ng mga nagtitinda’t kanilang mga parokyano—ang dating mga palengkeng puno ng sigla ay binalot na ng nakakapanlumong mga tagpo.
Sa loob ng 400 na taon, naging tahanan ni Baste ang makasaysayang lupain ng Quiapo. Walang kapaguran nitong pinagsisilbihan ang mga mananampalataya habang tahimik napinagmamasdan ang mga kuwento ng nakaraan.
Hindi pa man lumulubog ang araw sa pakikipagsapalaran ng isang manggagawa, palaisipan na agad ang naghihintay na kinabukasan. Sa mapanghamong komunidad, tumambad ang magkakapatong na mga responsibilidad.
Inilunsad ng mga mag-aaral at ng alumna’t kasalukuyang propesor ng Far Eastern University (FEU) ang iba’t ibang donation drives online at relief operations upang tulungan ang mga biktima ng bagyong Ulysses sa Luzon.
Iniwan niya ang buhay-siyudad at nagpunla sa maliliit na binhi ng pagbabago sa malalaking kabundukan. Tangan ang prinsipyo at sinumpaang adhikain, nagsilbi siyang sinag ng pag-asa sa kabilang ibayo ng bayan. Sa tawag ng gampaning magsilbing tagapagpaganap ng mga nangangarap, nakipagsapalaran ang isang gurong dayo.
Sa pag-usbong ng samu’t saring inhustisya sa ating lipunan, handa ka bang maglagay ng iyong kapirasong sanga sa pagpapaningas ng adhikaing inklusibong edukasyon?
Bilang pakikiisa ng mundo ng biswal na komunikasyon gamit ang iba’t ibang lente ng mga tagalikha nito, naging tanyag ang plataporma ng ‘DaangDokyu’ na magpalabas ng mga natatanging sining-biswal na libre para sa publiko.
Nakalulugod sa pakiramdam ang maimbitahan sa isang pagdiriwang, lalo na kung para ito sa may kaarawan. Hindi mawawala sa selebrasyon ang mga tawanan, kuwentuhan, at masasayang pagbabalik-tanaw sa nakaraan. Ngunit papaano na lamang kung ang simpleng okasyon na ito ang siya pang magpapa-alala ng mga kuwentong kahila-hilakbot at isang bangungot na insensitibong ungkatin.
Sa pagtahak ni Juan sa daang minimithi niyang inklusibong lipunan, tila may nakapukaw ng kaniyang atensyon at kamalayan, ito ang pagsulpot ng isang salitang hindi niya nakasanayan — ang salitang Filipinx.
Sa hamong pagtuklas sa ugat ng ating lahi at pagpapanatili nitong pagbunga sa modernong panahon, nagtanim ang isang kabataan ng pag-asang ito ay maisasakatuparan — sa paraan ng pananaliksik.
Sa tradisyon ng mga Pilipino, ang Kapaskuhan marahil ang pinakamahabang okasyon. Setyembre pa lamang ay abala na ang ilan sa paghahanda nito. Iba’t iba man ang ating pagkakakulay tuwing sasapit ang Pasko, nawa’y ang mga kulay na ito ay magpaalala ng ating pagkakaisa at pagmamahalan bilang mga Pilipino.
Ang mapaunlad ang sariling pag-iisip at kakayahan ay isang karapatan na dapat sana’y pantay-pantay na nakakamit ng bawat bahagi ng lipunan subalit para sa iilan, tila isang pribilehiyo ang makatuntong sa paaralan.
Kasabay ng pagiging moderno ng teknolohiya ay ang pagsibol ng mga lengguwahe, salita o mga tunog na nabubuo mula sa malilikhaing pag-iisip ng mga tao. Mga salita na naglalaro at nakikisabay sa pag-agos ng mga mumunting kaisipan na gumagawa nang eksena sa makabagong panahon ating kinabibilangan.
Nasubukan mo na bang sumubok ng iba’t ibang salita makuha lang ang panlasa ng iyong mambabasa? Halos lahat naman ata tayo ay iisa ang agenda at ‘yun ay ang makuha ang interest ng mga taong nasa social media. Hindi nakapagtataka kung maglipana ang mga Facebook page na kikiliti sa ating saloobin at makapupukaw ng atensyon natin.
Walang kapansanan ang magpapaawat sa nag-aalab na hangarin ng isang tao na salat sa buhay. Paralitiko man ang mga paa subalit mayroong taglay na tibay, at lakas ng loob na harapin ang mundong ginagalawan na puno ng pagsubok.
Kasabay ng kanyang paglisan sa trono ang pagtingin ng tao sa kanyang mga nagawang pagbabago. Kung saan, ano nga ba ang pinatunguhan ng pangakong kaunlaran para sa bayan, anim na taon na ang nakalilipas?
Sabay sa pagtakas natin sa nakaraan ang naghuhumiyaw nating hangarin sa pagbabago. Kagustuhang pamalitan ang pagkakakinlanlang nabahiran na ng katiwalian. Ngunit kailangan pa ba ng isang mapanindak na pamumuno upang kaunlaran ng bansa ay tuluyang makamtan?
Haligi ng tahanan, pundasyon na nagsisilbing lakas at sandalan ng bawat pamilya. Siya ang ama na handang gawin ang lahat, alang-alang sa ikabubuti ng mga mahal niya sa buhay.
Responsableng pamumuno, ‘yan marahil ang kailangan ng bansang kabi-kabila ang problemang kinahaharap. Isang taong may paninindigan upang gawin ang tama para sa bayang kaniyang pinagsisilbihan. Ngunit, disiplina naman para sa mamamayang naghahangad ng kasaganahan.
Kapayapaan, katahimikan at kalayaan – 'yan na marahil ang hiling ng halos bawat indibidwal na namuhay sa administrasyong Marcos, tatlong dekada na ang nakararaan. Tila mga ibong nasa hawla ang pakiramdam ng mga tao noon; mga ibong gustong makawala, lumaya, at lumipad sa himpapawid.