Category

FILIPINO

Kalinga tungo sa respirasyon ng huling baga
FEU Advocate  ·  May 30, 2024

Kalinga tungo sa respirasyon ng huling baga

Kapag ang init ng araw ay humahalubilo na at ang pagod ay tila umaalipusta sa bawat diwa, ang Arroceros Forest Park, na tinaguriang “Huling Baga ng Maynila,” ay nagsisilbing kanlungan sa gitna ng nakapapasong init at magulong kalunsuran.

Read more
Pili(t)in mo rin ang Pilipinas
FEU Advocate  ·  May 28, 2024

Pili(t)in mo rin ang Pilipinas

Mayaman sa kultura, magagandang tanawin, sa kalupaan man o sa katubigan, pati na rin sa mga tradisyon at paniniwala. Ngunit sa paglipas ng panahon, unti-unti nang nauubos ang isa sa pinakamahalagang yaman ng perlas ng silanganan, ang yamang tao.

Read more
Pagsaklot ng kaalaman sa kasagsagan ng kakapusan
FEU Advocate  ·  May 13, 2024

Pagsaklot ng kaalaman sa kasagsagan ng kakapusan

Mistulang bituin ang edukasyon. Nagbibigay-ningning sa madilim at magulong lakbayin at naghahatid liwanag sa mga balik at lumang pananaw. Sa diskursong kaliwanagan, hatid nito ay kamalayan sa katotohanan na siyang daan upang wasakin ang harang na nagbubukod sa yaman at ginhawa ng masa. 

Read more
Panawagan para sa susunod na tatanglaw
FEU Advocate  ·  April 22, 2024

Panawagan para sa susunod na tatanglaw

Mula klasrum hanggang lansangan, bitbit ng mga lider-estudyante ang boses ng mga kabataan na siyang nararapat na nangingibabaw. Mula rito, sila ang bubuo sa bagong henerasyon ng mga lider ng bansa na siyang sumasalamin sa kabuuang kalagayan ng demokrasya sa Pilipinas.

Read more
Nang mawaksi ang pahina ng pagkakakilanlan
FEU Advocate  ·  March 29, 2024

Nang mawaksi ang pahina ng pagkakakilanlan

Sa mga lumipas na dekada, patuloy na pinagbubuklod ng pira-pirasong mga papel ang mga karakter sa kwento ng lupang sinilangan. Animo’y mugol ito na naging pundasyon ng kapanatagan ng mamamayang Pilipino.

Read more
Ang paglipad ng pluma sa tiranyang mapanyurak
FEU Advocate  ·  March 24, 2024

Ang paglipad ng pluma sa tiranyang mapanyurak

Nagsisilbing himig ng kamalayan ang bawat patak ng tinta ng mga pahayagan. Dulot nito, naging sandigan na ng mga mag-aaral ang mga pampaaralang publikasyon, lalo na sa panahong hinahamak ng panghuhuwad ang mga pangunahing daluyan ng balita at impormasyon. 

Read more
Pilas ng Demokrasya: Katapusan o Panibagong Yugto ng Pagkilala?
FEU Advocate  ·  February 24, 2024

Pilas ng Demokrasya: Katapusan o Panibagong Yugto ng Pagkilala?

Bukod sa pagdiriwang ng araw ng mga puso, kada Pebrero rin ay binibigyang-pagpupugay ang mga ipinamalas na katapangan ng taumbayan na nakaukit na sa ating kasaysayan. Inaalala ito upang parangalan ang pag-aalsa ng nakaraang henerasyon na siyang pumiglas sa hawlang bumihag sa kanilang isip, salita, sa kahabaan ng EDSA.

Read more
Pagtiwalag sa Hirati: Kaluwalhatian sa Panangis ng Kalusugang Pangkaisipan 
FEU Advocate  ·  December 28, 2023

Pagtiwalag sa Hirati: Kaluwalhatian sa Panangis ng Kalusugang Pangkaisipan 

Ilang kalendaryo na ang pinunit ngunit tila hindi matibag-tibag ang stigmatismong nakapalibot sa alingasngas ng kalusugang pangkaisipan. Kaya naman sa paglipas ng taon, unti-unting naitatatag ang gusali ng kabatiran sa paksang mentalidad. Subalit hindi inaasahan na marupok ang naging pundasyon ng kaalaman, dahilan upang mauwi ito sa romantikismo kaysa maging isang kilusan tungo sa mas matibay na diskusyong sikolohikal.

Read more