Your Vote, Your FEUture: TAMang Boto's Role in the University Elections
- May 27, 2022 10:42
FEU Advocate
August 30, 2024 17:46
Ni Randy Espares Jr.
Bilang paghahanda sa paparating na University Athletics Association of the Philippines (UAAP) Season 87, isinagawa ng Far Eastern University (FEU) kasama ang University of the Philippines ang torch-lighting ceremony para sa TAMRally 2024 na ginanap ngayong ika-30 ng Agosto sa FEU Quadrangle.
Sinimulan ang selebrasyon ng parada ng mga FEU Tamaraw bago ang pagsindi ng sulo.
Pinaalalahanan naman ni Institute of Education Dean Aisa Arlos ang mga atleta sa kanyang pambungad na pananalita na maging matapang sa pagharap ng kanilang mga laro.
“To our athletes, you are the heart and soul of these events… Play with all your heart, uphold the qualities of fair play, and always be brave in overcoming challenges (Sa aming mga atleta, kayo ang puso at kaluluwa ng mga okasyong ito… Maglaro nang buong puso, itaguyod ang mga katangian ng patas na laro, at laging maging matapang sa pagharap sa mga hamon),” aniya.
Pinamunuan nina UAAP Season 86 Courtside Reporter (CSR) Mae Reyes at Season 75 at 76 Correspondent Judy Saril-Macaida ang programa.
Kabilang ang men’s and women’s basketball, men’s and women’s volleyball, Beach Volleyball, men’s and women's football, FEU Cheering Squad, men’s and women’s chess, men’s and women’s track and field, men’s and women's table tennis, men’s and women’s taekwondo, Poomsae, FEU Street Alliance, at Esports sa mga koponan na nakilahok.
Nagpamalas din ng kanilang talento sa okasyon ang FEU Cheerleaders, FEU Drummers, at FEU Drum and Bugle Corps.
Opisyal na magsisimula ang UAAP Season 87 sa ikapito ng Setyembre.
Ang TAMRally ay taunang pagdiriwang ng Unibersidad na nagpapakilala ng mga atletang makikilahok sa UAAP.
(Kuha ni Krystoffer Zyanel Bermudez/FEU Advocate)