Category

FILIPINO

Muling paggamit ng Baybayin: dekorasyon o dekolonisasyon?
FEU Advocate  ·  August 19, 2025

Muling paggamit ng Baybayin: dekorasyon o dekolonisasyon?

Muling binubuhay mula sa nakaraan ang Baybayin sa mga karatula ng kalsada at istasyon ng tren. Ngunit sa halip na magsilbing hakbang tungo sa dekolonisasyon, tila humahantong ito sa pagiging dekorasyon ng isang bansang uhaw sa identidad ngunit patuloy na sinasakdal sa kolonyal na tanikala.

Read more
Liwanag na dala ng ‘Sunshine’ sa kababaihang Pinoy
FEU Advocate  ·  August 08, 2025

Liwanag na dala ng ‘Sunshine’ sa kababaihang Pinoy

#TAMlakayan: Sa pagdating ng internationally acclaimed na pelikula ni Antoinette Jadaone na ‘Sunshine’ sa Pilipinas, iminulat nito ang mga mata ng manonood sa mapait na realidad—na ang mga kababaihan ng bansa ay marami pang kailangang tahakin upang labanan ang patriyarkal na lipunan na gumagapos dito. 

Read more
Taya ang buhay sa laro ng kapalaran
FEU Advocate  ·  July 25, 2025

Taya ang buhay sa laro ng kapalaran

Sa isang lipunang salat sa oportunidad at gutom sa ginhawa, nagiging kaakit-akit ang pangakong panalo sa online gambling. Subalit, kailangang itaya ang buhay upang makamit ang matagal nang inaasam na pag-ahon sa kahirapan—kahit pa ang mga premyo’y palamuti lamang sa sugal kung saan lugi ang masa at panalo ang may kontrol sa sistema.

Read more
Espasyo ng pagtanggap ang kukupkop sa’yo
FEU Advocate  ·  June 23, 2025

Espasyo ng pagtanggap ang kukupkop sa’yo

Sa bansang unti-unting nagkakaboses ang mga matagal nang itinatabing komunidad, mahalagang kilalanin ang mga espasyong lumilihis sa makaluma’t makitid na paniniwala—mga lugar na hindi lamang basta negosyo, kung hindi mga lugar kung saan puwedeng huminga’t magpakatotoo ang mga bakla.

Read more
Pabrika ng makina ang Pamantasang kinikitil ang kaluluwa sa kolehiyo
FEU Advocate  ·  June 20, 2025

Pabrika ng makina ang Pamantasang kinikitil ang kaluluwa sa kolehiyo

Madalas ituring na “minor” ang mga kursong General Education (GE) gaya ng Art Appreciation, Ethics, at The Contemporary World. Ngunit sa likod ng mapangmaliit na bansag dito, hindi mapagkakailang sila ang puso’t kaluluwa ng edukasyon—tinuturuan tayong makinig, magduda, at manindigan. Sa panukalang tanggalin ito, tila hinahanda ang isang henerasyong mistulang makina na sunod-sunuran sa sistema.

Read more
Hindi lahat ng babae, dapat umabante
FEU Advocate  ·  May 05, 2025

Hindi lahat ng babae, dapat umabante

Tungo sa panibagong kabanata ng politika sa Pilipinas, nananatiling matatag ang padron na matagal nang nakaukit sa kasaysayan—ang walang patid na paghahari ng mga dinastiya. Ngunit sa halip na pamilyar na anyo ng patriyarka ang manguna, unti-unting sumusulpot ang mga kababaihang sina Camille Villar, Imee Marcos, at Sara Duterte sa sentro ng entablado.

Read more
Pula ang kulay ng simula at wakas
FEU Advocate  ·  March 25, 2025

Pula ang kulay ng simula at wakas

Ang rosas ay sagisag ng pagmamahal at matinding damdamin—dalawang bagay na sumasalamin sa wagas na pag-iibigan nina Billy at Nena. Ngunit sa kabila ng marikit nitong mga talulot ay tahimik na nagbabantay ang matutulis na tinik; isang tanda ng malaking panganib na nakaamba sa kapalaran ng magkasintahan, habang ang matingkad nitong kulay ay tulad ng dugong dadaloy sa makapal na niyebeng bumabalot sa Europa.

Read more
Paglaya ng ari sa sari-saring mukha ng pagkababae
FEU Advocate  ·  March 25, 2025

Paglaya ng ari sa sari-saring mukha ng pagkababae

Nagmumula sa iba’t ibang kuwento ng pagkababae ang kolektibong pakikibaka ng kababaihan para sa mas makatarungang lipunan. Pinagbubuklod ng iisang mithiin, pinalalakas ang makababaeng layunin ng puwersang hinuhugot sa kakaibang danas ng iba’t ibang mukha ng kababaihan. Ngayong #BuwanNgKababaihan, bibigyang-lalim ang sari-saring imahe ng pagkababae sa loob ng Pamantasan ng Malayong Silangan. 

Read more