FEU boosts pandemic efforts, procures COVID-19 vaccines for faculty and staff
- September 20, 2021 03:54
FEU Advocate
August 01, 2016 23:34
Ni Karl Lois R. Malabanan
Sports Officer-in-Charge (2016-2017)
Noong nakaraang taon kung maaalala ninyo ang nangyari sa isa sa pinaka-malaking kaganapan sa kupunan ng Far Eastern University (FEU) Men’s Basketball Team nang tapusin nila ang sampung taong pagiging uhaw sa titulo. Kung hindi mo nasaksihan ang kaganapang ito, payo ko lang 'wag mo nang ituloy ang pagbabasa dahil hindi ka makaka-ugnay sa aking mga sasabihin.
Tunay ‘nga na ito ay kasindak-sindak para sa komunidad ng Tamaraws, pag-papatunay lamang ito na ang FEU ay isa sa mga tahanan ng kampeon. Ngunit pagkatapos ano na ang mangyayari? Tapos na kaya ang laban? Ano na ang susunod?
Isang malaking “hindi pa tapos ang laban” dahil para sa mga manlalaro natin bawat araw ay isang laban. Sa manlalaro nga lang ba dapat? Hind ba dapat pati din sa ating mga taga-hanga, tuloy ang laban!
Hindi porket wala na sa ating kupunan ang mga beteranong manlalaro tulad nina Mac Belo, Mike Tolomia, Roger Pogoy, Russel Escoto at iba ay hindi na natin ipapakita ang suportang ibinigay natin noong nakaraang taon.
Sa totoo lang nakakaasar yung mga taga-suporta na lumalabas lang ng lungga kapag gumagawa na ng inggay ang isang kupunan. Tama naman ako di ‘ba? Umaasa kasi ako na sana sa simula palang ng kompetisyon masaksihan na nila ang mga ginagawa ng ating manlalaro para lang makapag-bigay karangalan.
Ngunit paano magagawa ng ating manlalaro na depensahan ang titulo kung ikaw na isa sa kinukuhanang pagganyak ng ating manlalaro ay nagdududa sa kanilang kakayanan. Hindi ko maikakaila na maraming pagbabago ang kinakaharap ng ating kupunan at ang pagbabagong ito ay maaaring makaapekto sa kanilang pagganap sa darating na UAAP Season 79. Maaaring ang ating kupunan ay bata pa at kulang pa sa karanasan, ngunit hindi ibig sabihin nito ay mahina ang ating kupunan.
Minsan habang ako ay bumibili ng makakain sa isang convenient store na malapit sa aking tinitirahan ay may nadinig akong isang estudyante na nagtatanong sa kanyang mga kasamahan kung susuportahan ba nila ang FEU Men’s Basketball Team. May mga nagsasabi na dapat nilang suportahan at may nagsasabi na hindi daw dahil wala na daw ang mga beteranong manlalarong kanilang sinusuportahan. Hindi ko na natapos pakinggan ang kanilang pinag-uusapan dahil nabayadan ko na ang pagkaing aking binili.
Ika nga ng isa sa mga coach na naging matalik ko na ring kaibigan “Alam mo ang pag suporta hindi dapat sinusukat kung malakas ba o mahina ang isang kupunan, dahil madalas sa mga tagasuporta kumukuha ng inspirasyon ang bawat manlalaro sa bawat laban na kanilang sinasalihan”
Wala naman talagang dapat magbago, kung ano ang ginawa nating pagsuporta noong mga nakaraang taon ganuon din dapat ang ipakita nating suporta sa ating kupunan lalong-lalo na sa kinakaharap nilang pagsubok ngayon.
Halina mga kapwa Tamaraws ating suportahan ang FEU Men’s Basketball Team at sabay-sabay nating saksihan kung paano nila ipaglalaban ang titulong nakamit nila noong nakaraang tao at mag-kuwentuhan sa kornilake@gmail.com.