
FEU trounces UST in men’s football season opener
- February 20, 2023 05:44
FEU Advocate
August 23, 2025 15:33
Ni Fibby Ann A. Mercado
Sa bisa ng matinding depensa ni Charles Absin, muling nagtala ng panalo ang Far Eastern University (FEU) Tamaraws matapos talunin ang Arellano University Chiefs, 25-17, 22-25, 25-23, 25-20, sa 2025 V-League Men’s Collegiate Challenge kaninang umaga, ika-23 ng Agosto, sa Paco Arena ng Maynila.
Ipinaramdam ni Absin and kaniyang presensiya sa net sa pagkolekta ng 12 puntos na binubuo ng anim na attack, limang block, at isang ace.
Matikas ang simula ng Tamaraws matapos dominahin ang unang set, 25-17. Ngunit, agad na nakabawi ang Chiefs upang makuha ang ikalawang frame, 22-25.
Sa ikatlong set, muling nagpakita ng determinasyon ang green-and-gold squad upang masungkit ang 25-22 na kalamangan.
Hindi na pinakawalan ng Morayta spikers ang momentum sa ikaapat na frame, kung saan tuluyan nang tinapos ni Absin at Dryx Saavedra ang laban sa pangunguna nila sa opensa, 25-20.
Sa kabila ng kanilang panalo, iginiit ni FEU head coach Eddieson Orcullo na kailangan pa nilang mas ihanda ang isipan sa mga susunod na laro sa kabila ng katatapos lamang nilang kampanya sa Kindai University Summer Cup 2025 sa Japan.
“Siguro, breaks of the game lang kasi pinagtatrabahuhan rin ng Arellano. ‘Yun nga pinag-uusapan namin ng boys. Siguro pagod pa from the tournament [sa Japan]. Siguro mind setting ang pinakaimportante naming gawin ngayon,” aniya sa panayam ng V-League.
Kasalukuyang may 2-0 win-loss record ang Tamaraws simula nang bumalik sila galing sa Japan. Susubukan nila itong protektahan laban sa National University Bulldogs bukas, ika-24 ng Agosto, sa parehong lugar.
(Litrato mula sa V-League)