Rutang Filipino: Unang Hakbang sa Edukasyong Maka-Pilipino?
- July 12, 2022 04:56
FEU Advocate
August 18, 2015 23:23
Sinalubong ang tinaguriang ‘Superstar’ ng pelikulang Pilipino na si Nora Aunor ng mainit na pagtanggap mula sa mga Tamaraws nang dumalo ito sa “AYKON Conversation Series” na ginanap kanina sa Far Eastern University (FEU) Auditorium.
Binigyang-diin ng premyadong aktres ang hirap na dinanas niya at ng kanyang pamilya noon nang magbalik-tanaw ito.
“Ang tao, dapat ‘di nawawalan ng pag-asa. Marami kang magagawa habang may buhay,” ani Aunor.
Binalikan din ng bida ng “Himala” ang simula ng kanyang karera noon bilang mang-aawit bago naging tanyag na aktres bunsod ng samu’t-saring parangal at pagkilalang iginawad sa kanya.
“Kailangang isapuso at alamin ang bawat layunin na nais makuha,” wika niya.
Ang ikalawang AYKON series ay may layuning mapagkalooban ng halaga ang mga obra ng mga Pilipinong nagbigay importansya at parangal sa larangan nila.
- Renz Paolo B. Regis at mga ulat mula kay Erol Nathaniel G. Rico
Tignan ang iba pang larawan dito: AYKON