
Psych juniors celebrate pinning ceremony, await immersion
- March 24, 2024 05:03
FEU Advocate
August 29, 2025 06:26
Ni Cassandra Luis J. De Leon
#NewsBites: Itinalaga ang mga bagong lider-estudyante ng Far Eastern University (FEU) Institute of Architecture and Fine Arts (IARFA) at Makati upang gampanan ang mga bakanteng katungkulan ng student councils (SC) ng taong panuruan 2025–2026 na inanunsiyo ng TAMang Boto kahapon, ika-28 ng Agosto.
Walang tumakbong kandidato sa lahat ng posisyon sa IARFA SC, at 96 lamang sa 1,679 mag-aaral ng institute, o 5.72 porsiyento, ang bumoto sa nakaraang eleksiyon ng Unibersidad.
Kabilang sa mga bagong lider-estudyante ng IARFA SC sina President Marvin Alerta, Vice President Brenna Severa Nebit, Secretary Alyssa Lyn Enriquez, Treasurer Dianne Criselda Dayag, Auditor Ranzell Miguel Rosales, at Public Relations Officer (P.R.O.) Maui Parero.
Samantala, 72 lamang sa 255 o 22 porsiyento ng bilang ng mga mag-aaral ng FEU Makati ang bumoto sa nagdaang halalan ng Pamantasan.
Kinilala naman bilang mga bagong opisyal ng FEU Makati SC sina President Robert Ulrich Cruz, Vice President Karl Lenin Bautista, Secretary Abram Carlota Jr., Treasurer Alliyah Limos, Auditor Samantha Nicole Geonzon, at P.R.O. Bernardo Gabriele Tayawa.
Sa eleksiyon para sa taong panuruan 2025–2026, hindi napunan ang 16 sa 74 na binuksang posisyon, katumbas ng 17.78 porsiyento ng bilang.
(Kuha ni Melvin James Urubio/FEU Advocate)