Coach Racela on FEU’s win vs DLSU: ‘Kailangan namin itong panalo’
- November 02, 2022 12:16
FEU Advocate
August 04, 2024 16:14
Ni Vince Matthew Jaramilla
Binuhat nina Mikko Espartero, Jelord Talisayan, at Amet Bituin ang Far Eastern University (FEU) Tamaraws upang matalo ang Ateneo de Manila University (AdMU) Blue Eagles, 24-26, 25-22, 25-18, 29-27, sa 2024 V-League Men’s Collegiate Challenge ngayong hapon, ikaapat ng Agosto, sa Paco Arena sa lungsod ng Maynila.
Nagpaulan si Espartero ng 14 puntos na sinundan naman nina Talisayan at Bituin na may 13 at 12.
Sa panayam ng FEU Advocate, nagpasalamat si head coach Ed Orcullo sa mga grassroot program ng Pamantasan na naghasa sa mga manlalaro.
"[Para sa] mga pumasok na mga bago, nagpapasalamat din ako sa mga grassroot [program] kasi 'yung mga coaches (tagasanay) du'n, talagang tinatrabaho 'yung mga players. Nakita naman natin 'yung performance (ipinamalas) ng players (mga manlalaro), talagang masasabi nating pwedeng ilaban sa mga beteranong opponent (kalaban). Doble-kayod na lang siguro," aniya.
Dikit na palitan ng attacks ang nasaksihan sa unang set na nagresulta sa iskor na 15-16 bago ang ikalawang technical timeout.
Nagpatuloy ang gitgitan sa pagitan ng dalawang koponan ngunit dahil sa agwat sa blocks na 1-4, nawala sa FEU ang unang frame, 24-26.
Sa kabila ng pagkatalo, mainit na sinimulan ng koponang taga-Morayta ang ikalawang set, 8-3.
Nag-ipitan sa attacks, blocks, at aces ang magkatunggali, ngunit makikita ang mas malinis na laro ng Tamaraws sa 13-8 na agwat sa points off opponent errors na nagpasya sa frame, 25-22.
Tumaas ang kumpiyansa ng FEU sa ikatlong set kung saan pinangunahan nila ang lahat ng stats. Hindi nila pinalamang ang AdMU sa buong frame upang magwagi, 25-18.
Dominado muli ng Tamaraws ang simula ng ikaapat na set, 6-2, ngunit unti-unti itong nabaliktad ng Blue Eagles, 14-16, papunta sa ikalawang technical timeout.
Matapos ang sandaling pahinga, nanatiling malapit ang laban na umabot pa sa apat na deuces. Sa kabila nito, ipinagpatuloy ng FEU ang paggamit sa iba't ibang hitters para manaig kontra AdMU, 29-27.
Sa kanilang pagkapanalo, binanggit ni Coach Ed ang pagiging kalmado bilang susi rito.
"'Yung composure ng bawat isa, 'yun ang pinaghawakan namin kanina, eh. At saka 'yung [ilang] errors kasi, alam ko maaayos namin sa mga susunod na ensayo namin," wika ni Orcullo.
Pinangunahan ng setter na si Benny Martinez ang opensa na may 12 excellent sets, samantalang sumunod sa pagtantos si Doula Ndongala na may walong puntos.
Susubukin pang dagdagan ng FEU ang kanilang mga panalo sa sunod nilang laro laban sa University of Perpetual Help System DALTA Altas sa ika-14 ng Agosto, sa parehong lugar.
(Litrato mula sa V-League)