Pagbabago sa Ilang Heritage Sites ng Pilipinas, itinalakay

FEU Advocate
August 30, 2015 16:19


Problemang ikinakaharap ngayon ng Pilipinas patungkol sa Cultural Heritage at ang kahalagahan nito sa ating kultura ay ipinabatid sa mga mag-aaral ng Institute of Tourism and Hotel Management (ITHM).

Ang unang programa ng ITHM Student Council para sa Academic Year 2015-2016 na may temang “Halaga Noon, Ano na Ngayon? Raising Awareness on Cultural Heritage and its values,” ay ginanap sa Far Eastern University (FEU) Auditorium noong ika-28 ng Agosto.

Pinangunahan ni President’s Committee on Culture (PCC) Director, Martin Lopez ang programa sa kanyang pagbibigay ng impormasyon sa mayamang kasaysayan at kakaibang arkitekto ng ilan sa mga gusaling nakatayo sa loob ng unibersidad tulad ng FEU Auditorium at FEU Chapel.

Binahagi naman ni Elizabeth Espino, Executive Director ng National Parks Development Committee, ang Landscaping at Development Funding para sa Rizal Park. Isiniwalat din ni Espino, ang kanilang mga plano para lalo pang pagandahin ang Heritage Site na ito.

Sinundan ito ni Michelle Solon, Presidente ng Region 12 Tourism Council at isa sa mga Board of Directors ng Tourism Congress of the Philippines, na naghikayat sa mga estudyante na tuklasin ang natatagong kagandahan ng turismo sa Region 12.

Ang huling tagapagsalita ng programa ay si Ivan Henares, Presidente ng Heritage Conservation Society, na nagbigay ng pahapyaw sa mga United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) World Heritage Sites ng Pilipinas. Bukod dito, itinalakay din ni Heneras ang mga isyu patungkol sa tinaguriang Pambansang Photobomber ng Pilipinas, ang Torre de Manila.

- Rhod Jessie S. Barrera