
Manguiat takes charge in FEU's 3rd season win
- November 03, 2024 12:44
FEU Advocate
March 08, 2025 20:35
Sa anino ng nakaraan at dilim ng kasaysayan,
Ang kababaihan ay tumindig, lumaban, at naghimagsikan—
Nagtataglay ng tinig na hindi kayang patahimikin,
At may ningas na kahit sinuman ay hindi kayang patayin.
Naghirap man at nagdusa, inalipusta’t nilait,
Nanindigan pa rin at hindi nagpagapi.
Bumangon mula sa abo at sa sugat ng kahapon,
Patuloy na lumalaban sa gapos ng opresyon.
Kababaihan—ilaw ng bayan, sagisag ng kinabukasan.
Gapusin man, hindi maaangkin ang isipan;
Itali man ng batas at kutyain ng lipunan,
Taglay pa rin ang tapang na hindi kayang hadlangan.
Kababaihan—sulo na gumagabay sa karimlan;
Tagapagdala ng liwanag, pag-asa’t kasarinlan.
Anumang hamon ay kayang lupigin,
Lahat ng bagay ay kayang tupdin.
- Gerielle Anne Afos
(Dibuho ni Alexandra Lim/FEU Advocate)