WRP to allow triweekly classes for studes ‘with additional needs’
- April 05, 2024 05:50
FEU Advocate
August 30, 2015 19:09
Ni Erol Nathaniel G. Rico
Tignan ang iba pang larawan: Translate-a-thon
Kaalinsunod sa celebrasyon ng Buwan ng Wika ay inilunsad ng Far Eastern University Institute of Technology at Far Eastern University Google Student Ambassadors na sina Nathaniel Castro at Nicole Yu, katulong ang FEU Tech Student Coordinating Council at Google Philippines ang Translate-a-thon kung saan paramihan ang mga estudyante sa pagsalin ng wikang ingles sa Filipino o Cebuano.
Bukod sa Translate-a-thon ay marami pang aktibidades ang inihanda para sa nasabing programa. Nagtapos ang nasabing programa sa pag aanunsyo sa mga estudyanteng nagwagi sa nasabing programa.
Layunin ng nasabing programa na maisaayos at mabigyang pansin ang wikang Filipino at Cebuano. Kasama ito sa isang malawakang kampanya kung saan nais ng Google Translate na mabigyan ng tama at kalidad na pagsalin ng wika ang mga gumagamit nito.
Nais din nito na mabigyang toon ang iba pang lenguwahe tulad ng Cebuano ng mas maiintindihan pa nila ang kanilang wika at maibahagi ito sa mga dayuhan na gumagamit ng Google Translate upang matuto ng wikang Filipino.