New breed of Tamaraws emerge as NCC co-champion
- December 18, 2015 07:35
FEU Advocate
August 14, 2024 22:57
Nagpamalas ng katatagan sina Nehemiah Maninit at Justin Lorence Lagmay ng Far Eastern University (FEU) Tamaraws Esports sa ikalawang araw ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 87 NBA 2K tournament ngayong ika-14 ng Agosto sa Doreen Blackbox Theater ng Areté Ateneo sa Lungsod Quezon.
Sumabak muli sa paligsahan ang FEU Tamaraws Esports nang may 2-1 win-loss record matapos ang esports premier sa UAAP kahapon.
Bueno mano ang unang laro ni Group A player Nehemiah Maninit sa off-stream match kontra Adamson University Falcons nang magwagi siya sa iskor na 58-50.
Nahirapan naman ang Los Angeles (LA) Lakers ng Tamaraw na lumusot sa matinding depensa ng Boston Celtics ng Ateneo de Manila University (AdMU), 27-52.
Sa sumunod na laro, bumawi si Maninit kontra De La Salle University nang muli niyang ginamit ang Milwaukee Bucks kontra Celtics ng Archers upang makamit ang ikalawang panalo sa araw na ito, 45-36.
Naging mainit ang huling on-stream na laban ng Group A player gamit ang LA Lakers kontra sa Boston Celtics ng University of the Philippines (UP).
Inabot ng overtime (OT) ang laban at nagtapos ito sa winning shot ni Austin Reaves ng Lakers sa huling play ng laro, 47-44.
Ayon kay Maninit, naging kalmado lang siya sa overtime thriller niya kontra Fighting Maroons.
“During the OT game, ang dami kong naririnig na celebrations. During the game naman, parang chill lang, kasi ‘yun nga ‘yung parang naging adjustment namin ni Coach [Jethro], kasi the whole game for me was supposed to be that way naman, and every game, hinahanap niya yung A game ko, (Habang nasa OT game ako, ang dami kong naririnig na pagbubunyi, pero nu’ng sa laro naman, kalmado pa rin, kasi ‘yun nga ‘yung parang naging pagsasaayos namin ni Coach Jethro, buong laro dapat ganun naman, at bawat laro hinahanap niya yung A game ko)," aniya.
Hindi naman naging mapalad ang simula ni Lagmay sa Group B laban sa AdMU sa off-stream game, 35-52.
Sa sumunod na laro, ginamit Group B player ang LA Lakers at Boston Celtics para sa UP. Naging madikit ang kaganapan sa pagitan ng Tamaraw at Fighting Maroon, kung saan nagpaulan ng tres ang dalawang panig ngunit nanaig ang kampo ng green-and-gold, 57-55.
Nabigo naman si Lagmay na masungkit ang panalo sa kanyang huling on-stream game kontra University of Santo Tomas kung saan ginamit niya muli ang LA Lakers laban sa Milwaukee Bucks ng Teletigers Esports Club, 29-45.
Hindi rin nagtagumpay ang Tamaraw sa kanyang huling larong off-stream, kung saan hinarap niya ang University of the East, 52-62.
Sa panayam ng FEU Advocate, binigyang-diin ni Coach Jethro Sombilla ang pagkakaroon ng pasensya ng mga manlalaro sa stratehiya at depensa.
“I always tell them (lagi ko silang pinapaalalahanan na), ‘relax lang ‘yung sa gameplay (paglalaro),’ kasi ‘yung kahapon naging gigil [sila] sa paglalaro [nila]. Gaano man ka[r]ami ‘yung laro, i-enjoy lang ‘yung laro at [mag]-take [ng] time sa plays at defense (maglaan ng oras sa pagpalano’t depensa),” wika nito.
Matapos ang buong preliminary round, nagtala si Maninit ng 5-2 win-loss record habang may 3-4 record naman si Lagmay. Sa kabila nito, wala pang opisyal na anunsiyo sa oras ng pagsulat tungkol sa kinatatayuan nina Maninit at Lagmay sa paparating na semifinals na gaganapin bukas, ika-15 ng Agosto, sa parehong lugar.
- Marcus Isaac D.G Bandong
(Litrato mula sa UAAP)