
Nakatirik ang araw, tumataginting ang makina ng mga kotse, at mainit ang simoy ng hangin. Sa isip ni Sierra, ngayon ang perfect time para ilabas ang cutout ng kaniyang idol.
Habang kinakaladkad niya ang taong cardboard sa sidewalk, may boses na pumigil sa kaniya.
“Ma’am Sierra, totoo po bang hinagisan mo ng laptop ang employee mo?”
She rolls her eyes habang inaakbayan ang cutout, “Ito na naman tayo, eh! Mga chismis at paninira as always. Uulitin ko po, hindi po ako pro-China.”
Bumitin sa hangin ang kaguluhan ng kaniyang mga salita, “Hindi naman ako marunong mag-laptop, saan niyo ba nakukuha ‘yang mga ganiyang isyu?”
Tumango na lamang ang reporter, subalit sinubukan ulit niyang mas alamin ang totoong sagot ni Sierra, “Ma’am, pero tinapon niy—“
She cuts him off, “Para maganda ang quality ko sa calls, siyempre, gumagamit ako ng laptop. Pero hindi talaga ako maalam dito, eh… Hindi nga afford ng company ko na ibili ako ng gusto kong laptop, kaya ako bumili nitong laptop… Shhh… secret na lang natin.”
Napataas ang kilay ng reporter sa pagkindat ni Sierra.
“Ahhh… ganun po ba, Ma’am?” siguro’y dala ng init at stress, hindi na lang sana niya ipagpapatuloy ang interview. Ngunit bago niya patayin ang camera, nagsalita ulit si Sierra. Bumalik sa reporter ang spark of hope na baka may connect na ang sunod niyang sasabihin.
“Pero ang mahal nga rin ng laptop na ito. ‘Pag may files, pinapagawa ko na lang sa katrabaho ko,” tumingin siya sa likod at nginitian ang cutout. Deep down, kahit cardboard lang ang tatay niya, alam niyang proud ito sa kaniya kahit ‘di siya marunong mag-laptop. Agad niya itong hinatak sa kaniyang tabi, niyakap nang mahigpit, at nagpatuloy sa pagsasalita.
Ngumiti na lamang ang reporter at nagpasalamat bago pa mas tumagal ang engkuwentrong ito.
Hindi man natin malalaman ang totoong nais sabihin ni Sierra, at least alam natin na hindi siya marunong mag-laptop. Kaya siya’y maturuan na sana. Hindi natin alam, baka siya na ang maging sunod na secretary ng DepEd — o kaya nama’y maging sunod na bise presidente?
The world is full of possibilities, and minsan, nandiyan lang sila sa likod — nagmamasid at naka-print.
- Rah Sell Bah Youth
(Illustration by Tarantaro/FEU Advocate)
(EDITOR'S NOTE: May maseselang tema ng sarcism, GV GV lang, kabaklaan, at kabulastagan na hindi angkop sa mga madaling mapikon at walang sense of humor.)