FEU Jins strike bronze medal in season’s tourney
- December 06, 2023 08:31
FEU Advocate
August 20, 2024 14:24
Magsisilbi ang dalawang miyembro ng Far Eastern University (FEU) Institute of Accounts, Business, and Finance (IABF) faculty bilang tagapangulo ng ilang komite ng Philippine Institute of Certified Public Accountants (PICPA) para sa Fiscal Year 2024-2025.
Napabilang ang kasalukuyang Department of Accountancy Chairperson na si Lady Dianne Madrid sa Committee on Research and Development ng organisasyon na itinakda noong ika-30 ng Hulyo.
Nahalal din sa PICPA ang propesor na si Vicente Gudani bilang tagapangulo ng Faculty Development na naganap ang pagkakatalaga sa tungkulin noong ika-29 ng Hunyo.
Noong nakaraang ika-17 ng Agosto, pinamunuan ni Madrid ang isang webinar kabilang ang Research and Development at Professional Development committee ng PICPA na kolaborasyon kasama ang ASEAN Accountancy Workgroup.
Ang PICPA ay isang Accredited Integrated Professional Organization (AIPO) ng mga Certified Public Accountant na naitatag noong 1929.
Limang beses na ring kinilala ang organisasyon bilang most outstanding AIPO ng Professional Regulation Commission, una noong 1995, at sumunod noong mga taong 2005, 2012, 2013, at 2018.
- Cassandra Luis J. De Leon
(Mga litrato mula kina Vicente Gudani at Lady Dianne Madrid)