Denok Miranda on first coaching year: “Losing is learning”
- November 18, 2023 09:57
FEU Advocate
November 02, 2024 20:45
Handa ka na bang makaramdam ulit ng mga kaluluwa at makakita ng kakaiba ngayong Buwan ng Katatakutan? Sa lamig ng simoy ng hangin at sa bawat ihip nito, kaakibat ang kilabot na nararamdaman ng bawat isa ngayong Araw ng mga Patay. Hindi makaliligtaan na nariyan ang mga nagsusulputan at nagsisilabasang mga dekorasyon, mga sabi-sabi ng mga matatanda, at mga palabas na gigimbal sa’yo.
Handog ng #TAMFlix ang mga pelikulang Pilipino na maaaring maging rason ng iyong takot at magpatitindig ng iyong mga balahibo. Kaya naman, humanda nang yakapin ang isa’t isa dahil iisa-isahin natin ang mga Kilabot sa Lamig.
Naranasan mo na bang makakita ng isang kakilala ngunit mayroong kakaiba at nakahihiwaga sa kaniyang mga galaw? Baka nakasalubong mo na ang tinatawag na ‘doppelganger.’
Mag-ingat ka lamang kapag ikaw na ang nakakita sa kamukha mo, dahil isa lamang sa inyo ang dapat na mabuhay. Sindak at kilabot ang hatid ng pelikulang ito lalo na ngayong Araw ng mga Patay. Baka oras mo na rin para makita ang doppelganger mo.
Nasabi na ba ng iyong mga kamag-anak na kamukha mo ang iyong ninuno? O ‘di kaya ang pamilya mong puno ng pagmamahal ay may itinatagong lihim sa’yo?
Hango sa totoong kuwento, kilala bilang kauna-unahang serial killer ng bansa si Padre Severino Mallari na nagpaparusa at kumikitil sa buhay ng mga taong sumusuway sa sampung utos ng Diyos.
Ang sabi-sabi ng mga tao sa Magalang, Pampanga ay kahit ilang taon nang patay ang padre, ang mga kadugo nito ang nagpapatuloy umano sa pagkitil ng buhay ng mga residente gabi-gabi.
Kaya’t mag-ingat ka at baka ikaw na ang sunod nilang biktima.
Anabelle at Chucky—kung kilala mo ang dalawang manikang ito ay siguradong magugustuhan mo ang palabas na ito dahil hindi lang isa, hindi lang dalawa, kung ’di tatlong manika ang gigimbal sa buhay mo.
Tatlong magulang, tatlong manika. Sa kanilang pagluluksa ay kinupkop nila ang tatlong manikang kamukhang-kamukha ng namayapa nilang mga anak. Ngunit, sa kanilang pag-aalaga rito’y isa-isang namamatay ang mga taong nakapaligid sa kanila.
Kung kaya’t huwag kang magtiwala sa hindi mo kakilala lalo na kung ang taong ito pala ay ang magiging rason ng katapusan mo.
Paano kung ang taong hiniling mong maging patay na patay sa’yo ay literal na patay?
Sampung taon nang patay si Tonton pero bumangon ulit ito mula sa kaniyang hukay upang tuparin ang kaisa-isang hiling ni Gwen. ‘If he wanted to, he would,’ nga naman talaga.
Subalit, ‘wag niyong hilingin ang pag-iibigan nina Gwen at Tonton dahil ibang klaseng “‘tildeath do us part” ang pagmamahalan nila at pati sa hukay ay isasama ka.
Hindi natin alam kung kailan ang katapusan ng bawat isa kaya dapat lamang na marunong tayong magpatawad sa mga taong nagkasala sa atin. Dahil, paano kung end of the world na? Paano mo masasabi sa kanila na napatawad mo na sila at pagmamahal lamang nila ang hinahangad mo?
Sa palabas na ito, isang virus ang kumalat sa isang unibersidad, at para makaligtas sa epidemyang lumalaganap ay nakahanap ng paraan si PJ na maisalba ang sarili bago maglaho ang sangkatauhan.
Ika nga nila, “be careful what you wish for” at baka ang iyong hiling ay magkatotoo sa maling paraan.
Lahat naman tayo ay mayroong bagay na gustong-gusto pero kahit anong gawin natin, hindi natin ito makamit. Kung kaya’t humiling ka sa iba’t ibang uri. Shooting star, genie, manifestation, o kaya naman ay sa bulong.
Ngunit, paano kung ang hiling mo ay nagkatotoo nga pero with a twist naman?! Simple lang naman ang gusto ni Conan at ‘yon ay ang makapiling si Ellen, pero bakit ang simpleng bulong lamang niya sa patay ay siyang nagdala sa kaniya papuntang Chocolate Hills?!
- Chelsea Simone Noceda
(Dibuho ni Erika Ramos; Latag ni Jonathan Carlos B. Ponio/FEU Advocate; Mga litrato mula sa IMDb)