‎Sa Gitna ng Karerang Walang Unahan

FEU Advocate
September 01, 2025 19:05


‎Sa ilalim ng araw na noo’y nanlalagkit,
nakaupo ako sa lilim ng lumang gusali,
pinagmamasdan ang mga dating ka-batch na umaakyat sa entablado,
tila panalo sa karerang pambansa,

‎Nauna sila.

‎Ako’y ‎naiwan pa sa kuwadra.
Hindi dahil sa aking pagbagal,
‎kung ‘di sa pagliko ng landas.

‎Ako’y nakabuntot lamang sa kanila,
‎sumasabay sa agos,
‎hindi kailangang mauna sa harapan.
‎Sabi ng ilan, mabagal.
‎Sabi ko, may diskarte.‎

‎May mga araw
‎na gusto ko nang huminto,
‎noong lumihis ako’t nagpalit ng kurso,
‎parang plano ng ensayo na binura’t sinimulan muli,
‎habang ang iba’y tuloy-tuloy,
‎walang pilay, walang pag-aalinlangan.‎

‎Pero ako,
patuloy pa ring ‎tumatakbo,
kasabay ang panghimig ng hangin.
‎Sa sarili kong bilis.
‎Sa sarili kong haba.
‎Sa sarili kong araw ng karera.

‎Hindi ako nahuli—.
‎nasa ibang oras lang ako ng paglabas sa tarangkahan..
‎Hindi ako mabagal—.
‎iba lang ang hakbang na dapat.
‎kong takbuhin at lampasan.

‎At darating din ang araw,.
na ‎aabot ako sa hangganan..
‎Hindi upang makipag-unahan,.
‎kung ‘di upang ipamalas.
‎na kahit huling dumamba,.
‎maaaring manalo.
‎kung ang puso ay nakaayon.
‎sa tamang hakbang.

- Je Rellora

(Dibuho ni Iya Maxine Linga/FEU Advocate)