Himagsikan sa kalsada: Pakikibaka para sa patuloy na pasada
- October 20, 2023 10:50
FEU Advocate
February 14, 2022 08:55
ni James Pascua
Teka, hindi ito ang pagmamahal na nagpapakilig,
O ang mga salitang kumikiliti sa’yong hilig.
Ito ang pagmamahal na nagmula sa mga himig—
ng mga lumaban at namatay para ika’y marinig.
Tumindig! Pumili ka ng kasintahang nakikinig
sa boses ng mga aliping naghimagsik,
Naligo sa dugo at nangakong hindi na muli,
Dahil ang hustisya ay hindi sa mayaman kumukubli.
Malaya kang pumili kung sino ang iyong kasosyo,
Ngunit dun ka sana sa marunong mamuno—negosyo?
Hindi negosyo ang palasyo! Kung kanino ka man sumiping
sana’y sigurado siyang ang tulog namin ay mahimbing.
At lagi mo sana itong tandaan: para sa kabataan.
Ang desisyon mo ay para sa kanilang kahihinatnan.
Kaya’t hiling ko’y ialay mo ang pag-ibig hindi sa kandidato
ngunit para sa mga matutulungan ng kanilang mandato.
(Dibuho ni Maria Margarita Corazon P. Rivera/FEU Advocate)