
DepComm professor wins special mention award in Dreamanila
- December 06, 2021 03:42
FEU Advocate
August 28, 2025 16:53
Ni Julliane Nicole B. Labinghisa
#NewsBites: Magtatanghal ang mga lokal na bandang Munimuni at Sugarcane, kasama ang lima pang imbitadong artista, sa taunang Tatak Tamaraw Welcome Fest Concert na gaganapin sa Far Eastern University (FEU) Grandstand sa darating na ika-29 ng Agosto.
Kasama sa mga panauhin ngayong taon ang mga soloista na sina Justin Vasquez, Jenzen Guino, Jayda, drag artist na si Viñas DeLuxe, pati na rin ang bandang CHNDTR.
Dagdag pa rito, magpapamalas din ng husay ang One FEU Music & Records, FEU Drummers, FEU Dance Company, FEU Drum & Bugle Corps, FEU Cheerleaders, at FEU Cheering Squad na binubuo ng mga Tamaraw.
Ilan sa mga sikat na awitin na maaring mapakinggan sa konsiyerto ay ang ‘Bawat Piyesa’ ng Munimuni, ‘Leonora’ ng Sugarcane, at ‘What U Need’ ni Justin Vasquez.
Matatandaang tumugtog na rin ang Munimuni sa Unibersidad noong nakaraang taon para sa One Concierto Piyu.
Gayunpaman, ito ang magiging unang pagtungtong nina Viñas DeLuxe, isang kalahok sa unang yugto ng Drag Race Philippines, at ng bandang Sugarcane sa entablado ng FEU.
Nauna nang tumugtog ang bandang Lola Amour at OPM singer-songwriter na si Jan Roberts sa FEU Grounds kahapon, ika-27 ng Agosto.
Samantala, nakatakda ring isagawa ang Holy Mass at Tatakan Rites sa parehong araw ng Welcome Fest Concert.
Inanusiyo ng FEU Central Student Organization na magkakaroon ng activity period mula 7:30 ng umaga hanggang 9:00 ng gabi para sa mga freshman, at mula 3:00 ng hapon naman para sa ibang antas upang magbigay-daan sa mga aktibidad ng Tatak Tamaraw sa ika-29 ng Agosto.
(Litrato mula sa Munimuni, Sugarcane, Vinas DeLuxe Facebook pages)