Lady Tams force four-set extender, face 1st round 2 loss vs top-seeded NU
- March 30, 2025 20:37
FEU Advocate
October 22, 2025 15:29

Awit, g! Kauuwi ko lang galing iskul, at ‘di ko alam kung tatagos ba ako ngayong sem. Cuh, akala ko efas na ako sa roksi ko, pero no’ng nakita ko ‘yung grade? Egul, mehn. Parang babalik ako sa zero days neto kung ‘di ako pumaldo sa pag hustlin’ ng schoolworks.
Prof ko sah, astang lespu sa paghuli ng mga mali ko. Lakas niya, eh, noh? Ayaw sumabay sa flow namin, aray mo. Ito, ah? Tunay sa tunay, ekep sa ekep, kala ko kakampi namin pero para siyang kalaban, lala.
Mga plar ko sa ibang section, paldo sa mga nakuha nilang grade. Kahit ebu ko naging pasang-awa pa kay Boss G, tunay na prof ng hood. Egul sa’kin, eh, aning talaga kapag prof na trippin’!
Nag-ft nga kami kanina ng day one ko sa karenderya. Sabi niya, “Ya, sana pumera na lang tayo sa side hustles.” Fr siya do’n, pinataba na lang sana namin bulsa namin, ‘di naman pumaldo sa grades. Pero goods lang, matsalove pa rin sa ibang prof sah kahit parang trippings lang nila magbigay ng pahirap. Deins sila masisisi, ganiyan talaga hustlin’ nila. Pero fr, gusto ko sila tanungin, “tatagos ba kami sa'yo, g? o negats na tumaas sa sem na ‘to?”
Eh, ‘di sige, plar, bounce na muna ako. Magpapahinga, magpa-puff ng isoy, sasamahan din aking ea sa hood. Matsala midterms na lang, kasi kahit deins ako tatagos sa klase, paldo pa rin ‘to, laking streets ba naman cuh, at fg na lang sa pangarap na sa huli, sabay-sabay tayo sa paglipad ng eroplano. 💎
- Je Rellora
(Dibuho ni Alexandra Lim/FEU Advocate)