FEU suffers 8th loss on AdMU's late run
- November 20, 2022 13:01
FEU Advocate
August 27, 2024 22:06
Ipinagdiwang ng Far Eastern University (FEU) Campus Ministry ang Mass of the Holy Spirit sa FEU Chapel ngayong araw, ika-27 ng Agosto, bilang panimula ng A.Y. 2024-2025.
Pinangunahan ni Rev. Fr. Esmeraldo Enaple, OFM ang misa.
Ipinaliwanag ng pari na ang pagbibigay-bendisyon sa mga materyales ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagbabasbas sa mga dumalo ng misa.
“You bless the persons tapos sana, The [Holy] Spirit will be with them. Then the materials na gagamitin [nila] ay maging instrument din for them to be able to perform well this academic year (Babasbasan mo ang mga tao tapos sana, sumakanila ang Espiritu Santo. Tapos, ‘yung mga materyales na gagamitin nila ay maging instrumento upang maging maayos ang kanilang mga gawain ngayong taong panuruan),” saad ni Fr. Enaple.
Taunang ipinagdiriwang ng Unibersidad ang Mass of the Holy Spirit upang magbigay-panalangin at makatanggap ng basbas mula sa Espiritu Santo na magkaroon ng masagana, maayos, at mapagbiyayang panimula ng akademikong taon.
- Kasharelle Javier
(Kuha ni Gwyneth Mendoza/FEU Advocate)