Langit, Lupa, Gobyerno! 

FEU Advocate
September 13, 2025 16:51


Langit, Lupa, Gobyerno! 
Bakit may daya sa inyong paglalaro? 
Suwail sa batas at hindi makatao,
Bakit ang masa’y pilit hinihila sa impiyerno? 

Langit, Lupa, Gobyerno!
Sino nga ba ang tunay na diyablo?
Iyong may sungay at may buntot sa kuwento? 
O kayong taya na namamalakad sa entablado? 

Langit, Lupa, Gobyerno!
Sino nga ba ang diyos ninyo? 
Hulog ba talaga ng langit ang yaman niyo? 
Bakit kapalit nito’y dangal at buhay ng tao? 

Ang templo niyo’y palasyo,
Ngunit ang alay ay buwis at pagod ng tao. 
Tunay na yaman nga ba? 
O yamang kinupit mula sa masa? 

- Gerielle Anne Afos
(Dibuho ni Mary Nicole Halili/FEU Advocate)