
Rookie Bituin sparkles in 1st-ever start as FEU stuns Ateneo
- April 09, 2025 14:47
FEU Advocate
August 21, 2025 22:42
Ni Lana Laurel
#NewsBites: Nakuha ni Far Eastern University (FEU) Manila alumnus Matthew Lauren Gochuico ang ikaapat na puwesto sa August 2025 Medical Technologists Licensure Examination (MTLE), ayon sa anunsiyo ng Professional Regulation Commission (PRC) kahapon, ika-20 ng Agosto.
Nagtala si Gochuico ng 92.40 porsiyentong rating sa nasabing pagsusulit.
Samantala, 60 sa 83 examinees mula sa FEU Manila ang nakapasa na katumbas ng 72.29 na porsiyentong pangkalahatang passing rate, mas mababa sa 75.52 porsiyento noong nakaraang Marso.
Ikalima naman ang FEU Nicanor Reyes Medical Foundation sa mga unibersidad na nakabilang sa pinakamataas na pangkalahatang passing rate, matapos makapagtala ang 64 mula sa 67 kumuha ng pagsusulit ng 95.52 porsiyentong resulta.
Sa kabuoan, nagmarka ang August 2025 MTLE ng 77.54 na porsiyentong national passing rate kung saan 3,660 mula sa 4,720 na sumailalim sa pagsusulit ang kalipikado upang maging ganap na mga Registered Medical Technologist.
Isinagawa ang ikalawa at huling MTLE ng taon sa mga testing center sa Metro Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, at Pampanga noong ika-12 hanggang ika-13 ng Agosto.
(Kuha ni Ma. Louela Luna/FEU Advocate)