Om norm norm norm
- September 13, 2020 12:31
FEU Advocate
August 20, 2023 08:28
Ni Randy Espares Jr.
Kinoronahan ang second-year Institute of Architecture and Fine Arts (IARFA) student at San Juan Compound representative na si Cassandra Jane Hernandez bilang Binibining San Juan 2023 sa Grand Coronation Night na ginanap sa Manuel I. Santos Memorial National High School noong Agosto 5.
Sa panayam ng FEU Advocate, ibinahagi ni Hernandez ang pakiramdam na manalo sa kompetisyon at kaba na kanyang nakuha mula sa mga katunggali at hurado.
“Winning the Bb. San Juan 2023 title was surreal. This is because we are 21 candidates, who are younger and have more experience than me in the field of pageantry (Ang makuha ang titulo ng Bb. San Juan 2023 ay parang hindi kapani-paniwala. Dahil 21 kaming mga kandidato at karamihan ay mas bata at mas may karanasan sa akin sa mga paligsahan),” saad niya.
Binubuo ang coronation selection committee ng mga beteranong pambansa at internasyonal na pageant queens, kabilang sina Miss International Queen 2023 Lars Pacheco, Miss Philippines Earth Ylanna Aduana, at Bb. Pilipinas Miss International 2023 Angelica Lopez.
Isa sa mga hindi malilimutan ni Hernandez sa kompetisyon ay ang kanyang pagsabak sa question and answer portion.
“I did not waste the opportunity to shine by using my intelligence in the first set of the Q&A portion (Hindi ko sinayang ang pagkakataong magpakitang-gilas sa pamamagitan ng paggamit ng aking katalinuhan sa unang set ng Q&A portion),” pagbabahagi nito.
Higit pa rito, naging parte rin ang pagiging mag-aaral ni Hernandez ng Arkitektura sa kanyang pagharap sa mga hurado ng kompetisyon.
“I must present myself well in order for them to choose me. I must prepare a good foundation and presentable finishes for me to stand out on the night of our coronation (Dapat ipakita kong mabuti ang sarili ko para ako ang piliin nila. Kailangan kong maghanda ng isang magandang pundasyon at presentable na mga pagtatapos para ako ay mamumukod-tangi sa gabi ng ating koronasyon),” sambit nito.
Kabilang sa preparasyon ng kinatawan ng San Juan Compound ang madalas na pag-eensayo gamit ang seven-inch na takong, pagsasanay ng pasarela na kanyang pinapanood sa YouTube, at pag-alala sa mga personal na karanasan na nais niyang ibahagi sa madla.
Nakilahok at nanalo na si Hernandez sa ibang mga kompetisyon tulad ng Bb. San Isidro 2022 at Ms. Fit and Fab 2023 sa Dolores kung saan siya ay pumuwestong second runner-up, at Festival Queen Kalikasan 2023 and HAMAKA kung saan nakamit niya ang title crown.
Samantala, kabilang din ang Tamaraw na si Davevin Del Rosario mula sa Institute of Arts and Sciences at FEU Dance Company bilang wardrobe at choreographer ng Bb. San Juan 2023.
Inorganisa ng Sangguniang Kabataan ng Barangay San Juan ang paligsahan at koronasyon ng naturang patimpalak.
(Litrato mula kay Cassandra Jane Hernandez)