
Nationwide curfew policy impose for minors
- July 25, 2016 19:49
FEU Advocate
August 17, 2025 22:11
Ni Marcus Isaac D.G. Bandong
#SportsBites: Matapos ang halos dalawang taon sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL), sasabak ang dating team captain ng Far Eastern University (FEU) Tamaraws na si LJay Gonzales sa paparating na Philippine Basketball Association (PBA) Season 50 Draft.
Isa sa mga unang nagsumite ng aplikasyon si Gonzales para sa nasabing draft.
Matatandaang pinili ni Gonzales na maglaro sa MPBL sa halip na sumali sa PBA Season 48 Draft noong 2023.
Sa kaniyang unang season sa liga, tinulungan niyang makaabot sa national finals ang Quezon Huskers matapos makamit ang South Division championship.
Samantala, siya ang kasalukuyang ikalawang scorer ng koponan kung saan nagtala siya ng averages na 10.6 na puntos pati na rin 5.5 rebound, 3.6 na assist, at dalawang steal sa 19 na laro.
Naglaro naman nang apat na taon ang 6’0” na guard para sa green-and-gold squad noong University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 83 hanggang 86.
Sa kaniyang huling taon sa Morayta, napabilang siya sa Mythical Five matapos magtala ng 14.79 na puntos, 7.9 na rebound, 3.14 na assist, at dalawang steal kada laro sa kabuoan ng torneo.
Makakasama ng dating team captain sa liga ang mga naging kakampi niya noon sa FEU na si Xyrus Torres na kasalukuyang naglalaro para sa koponang NLEX Road Warriors bilang forward, at si RJ Abarrientos na guard naman ng Barangay Ginebra San Miguel.
Gaganapin ang PBA Draft sa ikapito ng Setyembre, ngunit wala pang anunsiyo kung saan ito isasagawa.
(Kuha ni Ralph Mari Castro/FEU Advocate)