Rookie Saavedra’s 15-point output hands FEU first win vs UP
- February 26, 2023 04:46
FEU Advocate
August 30, 2022 16:29
Ni Beatrice Diane D. Bartolome
May isang katotohanang kailangan kong harapin sa tuwing kailangan kong bumulong sa dilang nakagisnan;
Magdilang anghel man o bumaha ng sandamakmak na talulot, hindi parin mabibilang sa mundo niyo.
Bakit parang tulak ng bibig ang tunog ng bawat titik sa aking sariling wika?
At bakit ko piniling maghanap ng kanlungan sa wika ng iba?
‘Pag sinabi kong “I am free,” ito ay magaan ngunit lasang huling patak ng alak,
Subalit kapag sinabi kong “malaya ako,” mabigat ang bawat pantig sa dila ‘kong tumatanggi;
‘Pag sinabi kong “I am loved,” lasa ko ang mga pangakong nakabubulag,
Subalit kapag sinabi kong “minahal ako,” lasa ko ang delusyon at walang katiyakan.
‘Pag sinabi kong “let’s rest,” ang mundo'y sasadlak sa isang nakabibinging katahimikan,
Ngunit kapag sinabi kong “tulog na mahal ko,” puputi na ang uwak sa wakas.
Mayroong reyalidad na hindi ko kayang tiisin at hindi mo ito pwedeng sulatan ng mabulaklak na tula,
Tumitimbang ang lahat ng ito sa aking kaluluwang dumudugo ng pula, bughaw, at dilaw.
(Dibuho ni Mary Vel Custodio/FEU Advocate)