3D map ng FEU, inilunsad para sa freshmen

FEU Advocate
August 07, 2024 15:04


Lumikha ang Far Eastern University (FEU) ng 3D Interactive Map ng Unibersidad bilang gabay sa mga bagong Tamaraw papunta sa iba't ibang mga gusali at serbisyo sa loob ng Pamantasan.

Ibinabahagi ng FEU Academic Services ang mapa sa kanilang booth sa tapat ng Arts Building para sa mga freshman ngayong Tatak Tamaraw 2024 na magtatagal hanggang ikapito ng Agosto.

Magsisilbing direksyon ang mapa upang mas madaling mahanap ng mga bagong Tamaraw ang mga opisina, laboratoryo, palikuran, ATM, at iba pang mga pasilidad sa loob ng FEU.

Matatagpuan din sa mapa ang mga floor plan kung saan makikita ang fire exits, hose locations, at evacuation plan sa mga oras ng sakuna.

Maaari ding makita sa Facebook page ng FEU Academic Services ang isinagawang mapa.

- Kasharelle Khail Javier 
(Kuha ni Zedrich Xylak Madrid/FEU Advocate)