210 FEU graduates, pasado sa August 2023 MedTech board

FEU Advocate
August 18, 2023 08:35


Lisensyado na ang 210 na Far Eastern University (FEU) Manila alumni sa August 2023 Medical Technologist Licensure Examination ayon sa resultang inilabas ng Professional Regulation Commission kahapon, Agosto 17.

Nagkamit ang Pamantasan ng 67.96% na passing rate sa isinagawang pagsusulit noong Agosto 12 at 13. 

Sa 195 na first time takers mula sa FEU Manila, 144 ang pumasa na umani ng 73.75% passing rate

Samantala, nakapasok ang Far Eastern University - Nicanor Reyes Medical Foundation (FEU-NRMF) sa ika-siyam na pwesto sa top performing schools matapos makamit ang kabuuang passing rate na 92.19%.

Nakuha naman ng FEU-NRMF ang 96.43% passing rate para sa mga Medical Technology graduates na unang beses kumuha ng pagsusulit. 

(Litrato ni Apollo Arellano/FEU Advocate)