FEU opens ‘mindfulness, fitness’ rooms for holistic health
- September 19, 2024 21:25
FEU Advocate
December 09, 2025 10:27

Sa Lerma ko unang natutuhan na ang pag-ibig ay hindi kailangang magarbo.
Noong una kitang makita, tila nagiging palabas sa pelikula ang eskinitang hindi naman ganoon kaganda. Ang buhok mong tinatangay ng hangin kasabay ng usok. Sa ingay na hindi na iniinda dahil nilulunod ito ng iyong tawa. Kapag tumatama ang sinag ng dapithapon, litaw pa rin ang ganda ng iyong singkit na mga mata. Ang mga labi mong may ipit na yosi sa pagitan, na kahit mapait ay isa sa mga pinakamatamis na nakikita ko araw-araw.
Tuwing nagtatagpo tayo sa Lerma, mistulang sinusulat ng tadhana ang kuwentong hindi natin nais mabura. At sa bawat segundong wala ka, hindi kumpleto ang Lerma. Walang saysay ang pagtambay ko sa kanto, walang lasa ang mga ulam sa karinderya. Ikaw mismo ang dahilan kung bakit natutong maging payapa ng Morayta.
Sa Lerma ko napagtantong mahal kita, noong sinabi mong hindi mo kailangan ng mga bulaklak o mamahaling bagay para sabihing nasa langit ka. Kasi heto tayo—nakaupo, pinagpapawisan, may alikabok sa pantalon, pero may mga matang nagmamahalan na parang walang nakakakita.
At totoo nga, dahil para sa akin: ang langit ay ang babae na kasama kong umupo sa bangketa, may hawak na kape, kahati ko sa yosi, at may mga mata na kayang pasayahin ang aking araw.
At kung sakaling dumating ang panahon na maglaho ang usok ng Lerma, mawala ang mga kasama nating tumambay, at tumahimik ang mga sulok ng eskinita, ang pag-ibig ko sa’yo ay mananatili. Ang mata mong maganda kahit may bahid ng pagod, ang tawa mong mas matamis pa sa starboy, at kakayahan mong aluin ako sa paraang hindi man laging malambing ngunit alam kong totoo.
Ikaw, ako, at ang Lerma na saksi kung paano kita ginugunita ay hindi kailanman mawawala.
Dahil sa Lerma, natutuhan kong hindi kailangang maging maganda ng mundo para maging masaya. Basta’t nandiyan ka ay patuloy kong hihilingin na tumagal ang oras, at sana ang bawat tambay natin ay maging alaala na hindi kumukupas.
Sa bawat kanto ng Lerma, minamahal kita.
- Sean Clifford M. Malinao
(Latag ni Armina Juliana M. Guerrero/FEU Advocate)