Magic Realism ni Edgar Samar, ibinahagi

FEU Advocate
August 29, 2015 22:37


Tinalakay ng kilalang manunulat at propesor ng panitikan at malikhaing pagsulat ng Ateneo De Manila University (ADMU) na si Edgar Calabia Samar and kahulugan at kahalagahan sa realidad at haraya sa kanang usapin ukol sa “Magic Realism in Literature,” na isinaayos ng Far Eastern University (FEU) Literature Society noong nakaraang Agosto 28.

Ipinahayag niya na ang Magic Realism ay salamin ng mga nabubuong paliwanag ng mga pangyayaring hindi mabigyang kahulugan ng tao ngunit tinatanggap bilang katotohanan. “Tulad ng Time… ang panahon ay hindi nahahagip ng ating five senses. Tayo ang nagbibgay kahulugan ng depinisyon kahit wala itong batayan galing sa ating mga senses,” ani Samar.

Tinugma ng panauhin sa Sikolohiya na ang haraya sa Magic Realism kung saan ang mga tao ay gumagawa ng solidong bagay na nabubuo ng takot at pagnanasa na maihahalintulad sa Projection Theory ni Sigmund Freud.

“Ang manananggal ay sumasalamin sa hangarin na magpunta sa iba’t-ibang lugar o kumawala sa kinatatayuang estado. Kaakibat nito ang pag iwan ng kalahating katawan, kung saan nagsasaad ng takot na tuluyang hindi makabalik sa pinangalingan,” pahiwatig niya.

Si Edgar Samar ay ang may akda ng mga librong may yaman sa konsepto ng Magic Realism tulad ng “Walong Diwata ng Paghulog,” “Halos Isang Buhay,” at ang kilala niyang nobela na kasalukuyang magkakaroon ng pangalawang yugto, ang “Janus Silang at ang Tiyanak ng Tabon.”

Ang kanyang nobelang pinamagatang “Janus Silang at ang Tiyanak ng Tabon” ay hango sa inspirasyong nakuha niya sa dilemma ni Maria Clara sa Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal.

Ang pamamaalam na tula na binahagi ni Edgar Samar ay, “Kinain na’ naubos. Nabuo pang lubos.” Kailangan lubusin ang akda upang malaman ang pagbibigay-kaghulugan nito bilang ehersioyo ng pagpapakatao.

- Frances Louise C. Giner
Tignan ang iba pang larawan:
Magic Realism in Literature