Pagsaklot ng kaalaman sa kasagsagan ng kakapusan
- May 13, 2024 10:29
FEU Advocate
August 17, 2024 07:30
Ni Shayne Elizabeth T. Flores
Nakapasa ang 187 mula sa 296 na mga examinee ng Far Eastern University (FEU) - Manila sa August 2024 Medical Technologist Licensure Examination (MTLE) batay sa anunsyo noong ika-13 ng Agosto.
Bumaba ang nakuhang pangkalahatang passing rate ng FEU Manila na 69.52 porsyento kumpara sa 88.92 porsyento noong nakaraang Marso.
Nakamit naman ng FEU Manila ang 80.71 porsyentong passing rate para mga unang beses na kumuha ng pagsusulit, kung saan 159 mula sa 197 alumni ang nakapasa.
Noong March 2021 MTLE huling nakapasok sa ranggo ang institusyon bilang ikaanim sa top performing schools nang umani ito ng 83.08 porsyentong passing rate.
Samantala, nakamit ng FEU - Nicanor Reyes Medical Foundation (NRMF) ang ikasiyam na pwesto sa mga nangungunang paaralan nang makakuha ito ng 90.63 porsyentong passing rate matapos makapasa ang 58 mula sa 64 na mga examinee.
Huling napabilang ang FEU-NRMF sa parehong ranggo ng top performing schools noong August 2023 MTLE nang makakuha ito ng 92.19 porsyentong passing rate.
Nakapagtala ang August 2024 MTLE ng 69.47 porsyentong national passing rate, kung saan 3,872 mula sa 5,574 na mga exam taker ay maaari nang maging ganap na mga Registered Medical Technologist.
Naganap ang ikalawa at huling MTLE ng taon sa mga testing center sa Metro Manila, Baguio, Cebu, at Davao noong ikaanim at ikapito ng Agosto.
(Kuha ni Apollo Arellano/FEU Advocate)