Tigil-pasada, kinasa kontra sa pagpatuloy ni BBM ng PUVMP
- August 14, 2024 21:30
FEU Advocate
August 21, 2024 19:57
Ni Angel Joyce C. Basa
Galing sa mapait na pagkatalo sa kanilang huling laro, nakabawi ang Far Eastern University (FEU) Tamaraws matapos talunin ang National University (NU) Bulldogs, 25-18, 25-18, 25-23, sa 2024 V-League Men's Collegiate Challenge ngayong ika-21 ng Agosto sa Paco Arena sa Lungsod ng Maynila.
Matibay na sinimulan ng Tamaraws ang laban sa tulong ng sunod-sunod na atake ni middle blocker Doula Ndongala sa unang set, kasabay na rin ng mga error na natamo ng Bulldogs.
Mabilis ding natapos ang set sa tulong ng dalawang service aces at anim na attacks ni team captain Jelord Talisayan na nakapagpalamang sa iskor ng FEU, 21-15.
Sa ikalawang set, nakakuha ng unang apat na puntos sina Talisayan at Ndongala mula sa dalawang attacks at dalawang blocks na sinundan din ng magkakasunod na mga error ng NU.
Bagama’t patas ang naitalang attacks at errors ng dalawang grupo, lamang ang koponan ng Morayta sa tatlong service aces at apat na blocks.
Naging dikit ang laban sa ikatlong set matapos ang batuhan ng atake mula sa magkabilang panig na nagdulot ng kauna-unahang malaking lamang ng NU, 11-16.
Sa ipinamalas na lakas ng NU, hindi na hinayaan ng FEU at ni Dryx Saavedra na makalamang pa ang Bulldogs matapos nitong magtala ng apat na attacks at isang block sa huling set para tapusin ang dikit na laban sa iskor na 25-23.
Itinanghal na Best Player of the Game si Talisayan na may iskor na 13 mula sa 11 attacks at dalawang aces, kasabay ang walong excellent receptions at apat na digs.
Bukod kay Talisayan, nakapagtala rin ng double digits sina Dryx Saavedra at Mikko Espartero na parehong may 11 puntos.
Kasalukuyang nakaangat sa ikalawang pwesto ang Tamaraws na may 3-1 win-loss record at haharapin ang De La Salle University sa Linggo, ika-25 ng Agosto, sa parehong lugar.
(Litrato mula sa V-League)