Former FEU Tamaraw spearheads ‘Donate Shoes for a Cause’
- May 02, 2020 13:29
FEU Advocate
August 29, 2022 11:11
Ni Aimerose C. Atienza
Ibinahagi ni Far Eastern University (FEU) Tamaraws Head Coach Olsen Racela ang kaniyang kagalakan sa ipinamalas na paglalaro ng Morayta cagers sa kabila ng first runner up finish kontra National University (NU) Bulldogs, 46-56, sa 2022 Filoil EcoOil Preseason Cup na ginanap sa Filoil EcoOil Centre sa San Juan City noong Agosto 27.
“We did not get the championship, but we are very satisfied with the way we played the whole tournament [and] the way we competed (Hindi namin nakuha ang kampeonato, pero sobra kaming natuwa sa paraan ng paglalaro namin sa buong torneo [at] ‘yung paraan ng paglaban namin),” ani Coach Racela sa isang panayam sa FEU Advocate.
Binigyang-diin din ni Coach Racela na marami silang natutunan sa torneo na maaaring makatulong para sa Tamaraws pagdating ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) season 85.
“We discovered a lot of things about our team, the players and the things we really need to work on pa… We need to be more consistent with our effort (Natuklasan namin ang maraming bagay tungkol sa aming koponan, sa mga manlalaro at sa mga bagay na kailangan pa naming pagtrabahuhan… Kailangang hindi pabago-bago ‘yung pagsisikap namin),” saad ni Coach Racela.
Sa pagsisimula ng laban ay agad naging dominante ang undefeated Bulldogs nang hindi nila hayaang makapuntos ang Tamaraws sa unang anim na minuto ng ikalawang quarter na nagresulta sa pagdoble ng kalamangan, 12-24.
Bigo nang makahabol ang FEU sa huling canto dahil sa matinding depensang ipinakita ng NU upang masungkit ang kampeonato sa preseason cup, 46-56.
Pinangunahan ni Bryan Sajonia ang green-and-gold squad matapos makapagtala ng 15 puntos.
Samantala, naglista naman ang miyembro ng Mythical Team na si Royce Alforque ng limang puntos, walong boards, at limang dimes laban sa Bulldogs.
Ayon kay Alforque, hindi niya inaasahan na maging bahagi ng Mythical 5 at itinuturing niyang isang biyaya ang nakuhang pagkilala.
“Hindi ko talaga in-expect (inasahan) ‘to [na maging miyembro ng Mythical Team] at ‘yun ewan ko, blessing (biyaya) na lang siguro na nilaro ko lang naman yung laro ko and yung system (sistema) namin,” ani Alforque.
Sa pagtatapos ng preseason tournament, muling magbabalik aksyon ang Tamaraws sa UAAP season 85 men’s basketball tourney sa Oktubre.
(Litrato ni Ralph Mari Castro/FEU Advocate)