FEU Manila places 4th in January 2021 medtech licensure exams
- February 09, 2021 12:26
FEU Advocate
August 10, 2016 19:47
With reports from Yedda Marie M. Arcenal
See full album here: Cinemalaya 2016
Pinasinayaang muli ang pagbubukas ng taunang Cinemalaya Independent Film Festival sa Cultural Center of the Philippines (CCP) na may temang “Break the Surface” na nagsimula noong ika-5 at magtatapos sa ika-14 ng Agosto.
Ang Cinemalaya ay isang kompetisyon na naglalayon na maipakita ang kahusayan ng mga Pilipino sa larangan ng pelikula at sining. Muling ibinalik ang nakaugaliang pagpapalabas ng mga mahahabang pelikula o full length films sa pagkakataong ito kumpara noong nakaraang taon na maiikling pelikula o short films lamang ang itinampok.
Siyam na natatanging pelikula ang itatampok sa tinatawag nilang ‘Open Competition’. Ito ay isang malayang kompetisyon na kung saan wala nang maghahati sa dati nitong dalawang kategorya na New Wave para sa mga bagong direktor at ang Director’s Showcase naman para sa mga beteranong direktor.
Kabilang sa siyam na tampok na pelikula ay ang ‘Kusina’ ni David Corpuz, isang propesor ng Far Eastern University (FEU), kasama ang kanyang co-director at screenplay writer na si Cenon Palomares. Ang pelikula ay pinagbibidahan ng aktres na si Judy Ann Santos-Agoncillo.
“The film is about, particularly about moms and their sacrifices (Ang pelikulang ito ay tungkol sa mga ina at kanilang mga sakripisyo). Tinanggap ko itong pelikula because I saw my mom in the (dahil nakikita ko ‘yung nanay ko sa) script. Housewife kasi ‘yung mom ko and she sacrifices a lot for me to reach where I am right now (Simpleng maybahay ang nanay ko at malaki ang sakripisyo niya para sa akin kaya ako naririto sa kinaroroonan ko ngayon),” saad ni Corpuz.
Dagdag ni Corpuz, nabuo ang kakaiba nitong konsepto dahil sa treatment na kanilang ginamit para sa buong kwento ng pelikula dahil binigyan nila ng halaga na gawing minimal lamang ang set.
Kasama din sa taong ito ang iba’t-ibang pelikula mula sa iba’t-ibang direktor. Ilan sa mga ito ay ang pelikula sa direksyon nina Inna Salazar at Dos Ocampo na pinamagatang Ang Bagong Pamilya Ni Ponching; Dagsin ni Atom Magadia; Hiblang Abo ni Ralston Jover; I, America ni Ivan Andrew Payawal; Lando at Bugoy ni Vic Acedillo, Jr; Mercury is Mine ni Jason Paul Laxamana; Pamilya Ordinaryo ni Eduardo Roy, Jr.; at ang Tuos ni Derick Cabrido.
Samantala, kabilang din sa Cinemalaya ang iba’t-iba nitong kategorya bukod sa mga nasabing mga pelikula sa kompetisyon. Kabilang dito ang Festival’s Best, Asian Showcase, Documentaries, Cinemalaya Institute Showcase, at ang Tribute to Francis Pasion bilang paggunita sa namayapang direktor na si Francis Xavier Pasion.
Si Pasion ang direktor sa likod ng pelikula na Bwaya at mga teleserye na On The Wings of Love, Dyesebel, My Binondo Girl, Princess and I, at Nataniel.