Madugo ang magluto: ‘Lami kaayong’ produksiyon ng FTG sa ‘Karne’
Kakaibang handa ang inihain ng Far Eastern University (FEU) Theater Guild (FTG) bilang paggunita sa ika-91 taon ng kanilang pagkakatatag. Dadalhin ng kapisanan ang mga manonood sa munting tahanan ng isang mag-asawa sa Zamboanguita, Negros Occidental, kung saan naghahalo ang pag-ibig, komedya, at misteryo. Tiyak na mapapakagat ang madla sa kanilang bagong produksiyon na ‘Karne’ na magbubukas simula ika-11 ng Setyembre.
Read more