Bloodletting program sums 89 donors in echoing FEU-RCYC advocacy
- December 09, 2023 09:25
FEU Advocate
April 05, 2024 04:30
Pagkatapos ng midterm exams, nagpasiya si Juan na dumalo sa simbahan upang magpasalamat sa Panginoon. Nung pumasok na siya sa simbahan, napansin niyang nasa kalagitnaan na ito ng isang misa. Narinig niya ang homiliya ng pari tungkol sa pitong huling salita ni Kristo at nagpapatnubay na magbalik-tanaw rito mula sa ating mga karanasan. Gamit ang homiliya ng pari na nagbigay inspirasyon kay Juan, isinapuso niya ito at minabuting isama sa kanyang panalangin.
Unang Salita: "Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa."
Naalala niya ang pagkakataon na nakita niyang dumadaya sa pagsusulit ang isa niyang kaibigan. Nakaramdam si Juan ng pagkainis sa estado ng kanilang pagsusulit. Sa huli, nagpasya siyang patawarin ang kaniyang kaibigan at pinagsabihan niyang huwag nang uulitin iyon.
Pangalawang Salita: "Totoo kang sasabihin sa akin ngayon, mamayka'y makakasama ka sa Paraiso."
Bagama’t hindi siya dinala ng kaibigan niyang si Marco sa Paraiso, hindi makakalimutan ni Juan ang pagtulong nito sa kanya sa pag-aaral ng mga mahihirap na asignatura. Dahil dito, magkasama nilang nakamit ang magandang marka sa exam.
Ikatlong Salita: "Narito ang iyong anak."
Naramdaman ni Juan ang kahalagahan ng pagiging tapat sa kanyang sariling pamilya at responsibilidad bilang isang mag-aaral. Ipinakita niya sa kanyang mga magulang ang kanyang mga resulta sa pagsusulit na may kasamang pagmamalaki at pasasalamat sa kanilang suporta.
Ikaapat Salita: "Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?"
Sumagi sa isip ni Juan ang mga pagkakataong nahirapan siya sa pag-aaral. Nawalan siya ng tiwala sa sarili niya na para bang pinabayaan na siya ng Diyos. Ngunit sa tulong ng mga kaibigan at panalangin, nalampasan niya ang mga pagsubok na ito at patuloy na sumulong sa pagtataguyod ng kanyang mga akademikong gawain.
Ikalimang Salita: "Nauuhaw ako."
Naalala ni Juan ang pagiging desidido niya na makamit ang kanyang mga pangarap sa kabila ng mga pagsubok at hamon sa buhay. Sa kabila ng pagod at puyat, patuloy siyang nagpursigi na mag-aral nang mabuti at magtagumpay sa kanyang mga layunin.
Ikaanim Na Salita: "Tapos na."
Natandaan ni Juan ang naramdaman niyang kaligayahan sa pagtatapos ng mga exam. Sa wakas, matapos ang matinding pagpupursigi, narating niya ang kanyang mga layunin at nagkaroon ng panahon upang magpahinga.
Ikapitong Salita: "Ama, sa iyong mga kamay inilalagak ko ang aking espiritu."
Syempre, hindi makakalimutan ni Juan ang kahalagahan ng pananampalataya at pagtitiwala sa Panginoon sa kabila ng lahat ng mga pagsubok at hamon. Dahil sa kanyang pananalig, alam niyang igagabay siya ng Diyos sa kanyang buhay.
Sa pagtatapos ng kanyang panalangin, nagpasalamat si Juan sa Panginoon sa lahat ng biyaya at patnubay na kanyang natanggap sa buong linggo. At sa pag-uwi, dala-dala niya ang kanyang pananampalataya at karanasan sa mga huling salita ni Kristo, na nagbigay sa kanya ng lakas at inspirasyon sa mga susunod na pagsubok na haharapin niya: ang finals.
-Josias Je Rellora
(Dibuho ni Darlyn Antoinette Baybayon/FEU Advocate)